Skusta Clee, binura na rin ang mga pictures ni Zeinab Harake sa kanyang IG

Skusta Clee, binura na rin ang mga pictures ni Zeinab Harake sa kanyang IG

- Matapos ang pagbura ni Zeinab Harake ng mga pictures ni Skusta Clee sa kanyang Instagram, marami ang nakapansin na wala na rin ang mga litrato ni Zeinab sa IG photos ng rapper

- Simula nang ilabas ni Zeinab ang tungkol sa balita kaugnay sa pagkawala ng kanyang anak na kanyang tinawag sa pangalang moon, walang nilabas na pahayag si Skusta Clee

- Gayunpaman, lumabas ang mga espikulasyon tungkol sa kanilang relasyon matapos ang pagbahagi ni Zeinab ng mga cryptic messages at comments

- Wala pa ring diretsang pahayag na inilalabas ang magkabilang kampo ngunit ang kanilang mga social media ang naging basehan ng mga netizens na may pinagdadaanan ang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala na rin ang mga bagong pictures ni Zeinab Harake sa Instagram account ni Skusta Clee. Hindi malinaw kung binura o naka-archive lamang ang pictures niya sa IG ni Skusta ngunit naging dahilan ito upang lalong umigting ang paniniwala ng ilang netizens na hiwalay na nga sila.

Read also

PBB, nag-imbita ng historian kaugnay sa kontrobersyal na 'MaJoHa' issue

Skusta Clee, binura na rin ang mga pictures ni Zeinab Harake sa kanyang IG
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Matatandaang matapos ang pagbura ni Zeinab Harake ng mga pictures ni Skusta Clee sa kanyang Instagram, marami ang nakapansin na wala na rin ang mga recent na pictures ni Zeinab sa IG photos ng rapper.

May mga pictures pa rin si Zeinab ngunit noong 2021 pa. Wala pa ring diretsang pahayag na inilalabas ang magkabilang kampo ngunit ang kanilang mga social media ang naging basehan ng mga netizens na may pinagdadaanan ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, lumabas ang mga espikulasyon tungkol sa kanilang relasyon matapos ang pagbahagi ni Zeinab ng mga cryptic messages at comments.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Angel Locsin, personal na namahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Leyte

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Batalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel