Lunch Out Loud, nababalitang magsasara ayon kay Ogie Diaz

Lunch Out Loud, nababalitang magsasara ayon kay Ogie Diaz

- Maugong umano ang balitang pagsasara ng noontime show na 'Lunch Out Loud'

- Isa ito sa mga napag-usapan sa Showbiz Update ni Ogie Diaz ngayong Pebrero 24

- Ilan sa sinasabing kadahilanan ay ang rating umano ng show at ang producer nito na magiging busy umano sa kampanya

- Gayunpaman, hiling ni Ogie D na hindi sana ito totoo dahil maraming artista at empleyado ng show ang mawawalan muli ng trabaho

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nababalita na umano ang pagsasara ng noontime show na Lunch Out Loud (LOL)ng TV5. Isa ito sa mga napag-usapan sa latest Showbiz Update ni Ogie Diaz ngayong Pebrero 24.

Nalaman ng KAMI na nakarating umano kina Ogie ang usap-usapang ito sa kadahilanang hindi umaabot sa inaasahang rating ang nasabing noontime show.

Lunch Out Loud, nababalitang magsasara ayon kay Ogie Diaz
Photo: Ogie Diaz (Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: Facebook
"Nakikinig lamang ako sa kwentuhan, mahirap na wala naman po tayong hawak na detalye. Basta ang nakarating lang is yung LOL medyo magko-concentrate lang yung producer sa kanyang kampanya,"

Read also

Pag-akyat ni Vice Ganda sa hagdanan sa labas ng studio, umani ng mga reaksiyon

"Pangalawa, e hindi masyadong sumisipa (sa ratings). tapos meron pang mga issue na kunwari 'yung limang araw na show e 'yung isa dun libre. Parang buy 5 take 1. Doon sa mga talent fees. Para lang daw po makaagapay, E yun lang ang narinig natin," ayon kay Ogie D.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makausap naman niya umano si Wacky kiray na bahagi ng LOL, sinabi naman nito na tuloy-tuloy pa rin naman ang taping nila ng naturang programa.

Gayunpaman, hiling ni Ogie D na walang katotohanan ang nasagap na balita gayung maraming artista at staff ng programa ang mawawalan ng proyekto kung mangyari nga ang pagsasara.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Kamakailan, natalakay sa kanyang showbiz update ang kontrobersyal na pagho-host ni Toni Gonzaga ng proclamation rally ng UniTeam. Natanong niya si Toni kung nakalimot ba ito sa nagawa umano ni Rodante Marcoleta sa pagsasara ng ABS-CBN, na isa sa mga ipinakilala niyang senatoriables sa proclamation rally.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel