Ion Perez, hinangaan sa kanyang pamimili para sa kusina ng kanyang nanay

Ion Perez, hinangaan sa kanyang pamimili para sa kusina ng kanyang nanay

- Marami ang humanga kung gaano pinakita at pinadadama ni Ion Perez ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya

- Sa kanyang ibinahaging vlog, pinamili niya ng mga gamit sa kusina ang kanyang pinakamamahal na ina

- Aniya, dahil mahilig magluto ang kanyang nanay, nais niyang pasayahin ito sa kanyang pinamiling mga appliances at mga gamit

- Personal niyang inihatid ang kanyang mga pinamili sa bahay ng kanyang ina sa Tarlac

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang ibinahaging video sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Ion Perez ang kanyang mga pinamili para sa pinapagawa niyang kusina para sa kanyang ina. Marami ang humanga kung gaano pinakita at pinadadama ni Ion Perez ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang pamilya.

Ion Perez, hinangaan sa kanyang pamimili para sa kusina ng kanyang nanay
Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Aniya, dahil mahilig magluto ang kanyang nanay, nais niyang pasayahin ito sa kanyang pinamiling mga appliances at mga gamit. Personal niyang inihatid ang kanyang mga pinamili sa bahay ng kanyang ina sa Tarlac.

Read also

Sosyaling microphone ni Heart Evangelista, umani ng samu't-saring mga komento

Narito ang ilan sa mga komento ng mga nakapanood ng video ni Ion:

Sobrang puno ng pagmamahal ang vlog na ito. Iba ka Ion.. ganyan ang totoong tao.. Mahal mo pamilya mo.. kaya malaki babalik sayo. Ramdam ka namin bilang isang taong nagsusumikap para sa pamilya.. Nakakaiyak pero Laban tayo.. God bless u ..more blessings pa..

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mabait at malaki ang puso ng nanay ni ion kaya ganyan nalang din ang balik ni ion sa kanya. Totoo na ang mabait sa magulang mas pinagpapala ng panginoon. More blessings sayo ion and family.
Si Meme Vice at Si Ion talaga ang bagay kasi Pareho silang mahal.ang mga magulang at buong pamilya nila keep safe Ion

Ang karelasyon ni Ion na si Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime.

Read also

Yayamaning birthday candle ni Heart Evangelista, umani ng samu't-saring komento

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Maging ang kanyang vlog kung saan pinakita niya ang ilan sa pinakapaborito niyang sapatos sa kanyang shoe collection ay lumikha ng ingay sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel