Mama Alawi, binalaan ang magiging BF ni Ivana sa labis na pagkahilig nito sa bulalo

Mama Alawi, binalaan ang magiging BF ni Ivana sa labis na pagkahilig nito sa bulalo

- Ibinuking ni Mama Alawi ang pagkahilig ni Ivana sa bulalo sa bago niyang vlog

- Natapos na ang COVID-19 journey nila kaya naman nakasama na nila si Mona

- Sinubukan ni Ivana na kainin ang mga kinakain ni Mona sa loob ng isang araw gayung diabetic siya

- Ayon kay Ivana, swerte ang magiging boyfriend ni Mona dahil magiging healthy rin ito habang si Mama Alawi naman, biniro si Ivana na kawawa ang magiging jowa sa hilig nito sa bulalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Magkakasama na muli ang buong Alawi family gayung natapos na nila ang 14-day quarantine matapos na magpositibo sa COVID-19 sina Ivana, Hashim at si Mama Alawi.

Nalaman ng KAMI na sa pinakabagong vlog ni Ivana, sinubukan nitong kainin ang mga kinakain ni Mona bilang ito ay diabetic.

Read also

Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera

Sugar-free at talagang mga gulay ang kinakain ni Mona bilang pag-iingat sa kanyang kalusugan.

Mama Alawi, binalaan ang magiging BF ni Ivana sa labis na pagkahilig nito sa bulalo
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Sa breakfast ni Mona, aminado si Ivana na hindi niya nagustuhan ang lasa nito na nilarawan pa niyang lasang gamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Halos magreklamo rin si Ivana sa tagal ng interval bago muli kumain si Mona.

Subalit pagpatak ng lunch lalo na ang dinner, humanga naman si Ivana sa sarap ng kinakain ng kapatid kahit na ito ay karamihan gulay na.

"Ang saya pala pag-jinowa 'to (Mona), healthy-healthy," ani Ivana.

Ngunit agad namang sumingit si Mama Alawi at sinabing kawawa naman ang magiging jowa ni Ivana dahil sa hilig nito sa bulalo.

"'Pag jinowa ka, kawawa. Panay bulalo," pambibisto ni Mama Alawi kay Ivana.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Youtube channel ni Ivana:

Read also

Aiko, sa umano'y nagkatotoong hula kay Ruffa Gutierrez: "Na sila ni Herbert?"

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na halos 15 million ang kanyang YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya at matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Kamakailan, naibahagi niya sa kanyang vlog ang pagkakaroon nila ng COVID-19 nina Mama Alawi at kapatid na si Hashim. Laking pasalamat naman nilang hindi na tinamaan si Mona gayung labis nilang iniingatan ang kalusugan nito dahil sa kanyang kondisyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel