Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera

Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera

- Sa ibinahaging picture ni Pops Fernandez, nakasama niya ang mga anak at ang dati nitong asawa na si Martin Nievera

- Bukod sa kanyang mag-aama, kasama din sa ibinahagi niyang picture ang past at present na karelasyon ni Martin

- Ito ay ang dating ka live-in ni Martin na si Katrina Ojeda at current girlfriend ng Concert King na si Anj del Rosario

- Ang pagsasama-sama nila ay para sa maagang pagdiriwang ng kaarawan ni Martin at ng anak nilang si Ram Nievera

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa maagang pagdiriwang ng kaarawan ni Martin Nievera at ng anak nilang si Ram Nievera, nakasama ni Pops Fernandez at ng kanilang mga anak ang dating karelasyon ni Martin na si Katrina Ojeda at current girlfriend ng Concert King na si Anj del Rosario.

Read also

Cryptic post ni Tom Rodriguez, ikinabahala ng mga TomCar supporters

Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera
Pops Fernandez (@popsfernandezofficial)
Source: Instagram

Ibinahagi ni Pops ang kanilang picture na magkakasama kung saan binati niya ng happy birthday ang dating asawa at ang anak nilang si Ram Nievera.

when anything is pops-sible Advanced happy birthday @ramnievera and @martinnievera.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kapansin-pansin na naka-disable ang comment section sa post na ito ni Pops marahil ay para maiwasan na rin ang mga negatibong komento mula sa mga netizens.

Matatandaang nitong nakaraang Pasko ay nakasama din nila si Katrina Ojeda sa ibinahaging picture ni Pops kung saan nagbahagi siya ng pagbati mula sa kanilang pamilya.

Matatandaang sa isang video ni Dra. Vicki Belo, naibahagi ni Pops na natagalan din bago sila nagkaayos ni Martin.

"Nag-heal na ako. Ang weird naman na galit pa rin ako sa kanya. We were able to sit down and talk."

Read also

Anak nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, kinaaliwan ng mga netizens

Si Maria Cielito "Pops" Lukban Fernandez ay nagsimulang makilala sa larangan ng musika sa edad na 16. Pumirma siya ng kontrata sa OctoArts Records noong 1981. Taong 1995 nang mapasama siya sa cast ng ASAP kasama ang kanyang dating asawang si Martin Nievera, kasama sina Dayanara Torres at Ariel Rivera.

Kamakailan, inamin ni Pops na nakarelasyon niya rin sina Aga Muhlach at Piolo Pascual sa isang Jojowain o Totropahin challenge.

Sa isang video kamakailan, kinaaliwan ang caption ni Pops. Kasama niya sa ibinahaging video ang dating asawang si Martin habang kumakanta ito. Inunahan na ni Pops ang mga netizens na huwag ma-excite dahil nagpa-practice lamang si Martin at hindi siya nito kinakantahan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel