Cryptic post ni Tom Rodriguez, ikinabahala ng mga TomCar supporters

Cryptic post ni Tom Rodriguez, ikinabahala ng mga TomCar supporters

- Kasunod ng paglabas ng balitang hindi na naka-follow sa Instagram account ng isa't-isa ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, lumabas ang espikulasyong may pinagdadaanan ang mag-asawa

- Kinalaunan ay muling napansin ng netizens na naka-follow na si Carla sa IG account ni Tom at gayundin si Tom

- Hindi napigilan ng mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa na mag-alala para sa kanila lalo at ilang buwan pa lamang ang nakakalipas mula nang sila ay ikasal

- Nag-iwan ng palaisipan ang cryptic post ni Tom kung saan kalakip ng video na may text na '.float' ay makahulugang audio

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Lalong tumitindi ang espikulasyong kasalukuyang may pinagdadaanan ang mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez kasunod ng balitang nagkaroon ng pag-unfollow sa Instagram nilang mag-asawa.

Cryptic post ni Tom Rodriguez, ikinabahala ng mga TomCar supporters
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

Kinalaunan ay muling napansin ng netizens na naka-follow na si Carla sa IG account ni Tom at gayundin si Tom.

Read also

Pops Fernandez, nakasama ang past at present na karelasyon ni Martin Nievera

Bunsod nito, hindi napigilang mabahala ng mga fans at tagasuporta ng TomCar. Sa pinakahuling post ng aktor, nagbahagi siya ng video na may text na .float ay makahulugang audio.

Maririnig ang spiels mula sa isang eksenang kuha sa Cowboy Bebop. Ito ay ang anime series na nilikha ni Shinichiro Watanabe noong 1998. Maririnig sa audio ang pag-uusap ng karakter na sina Faye at Spike tungkol sa pag-alis ni Spike.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I'm not going there to die. I'm going to find out if I'm really alive," ito ang makahulugang linya ng karakter na si Spike.

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si Rey "PJ" Abellana‎. Nakilala siya sa kanyang unang lead role sa remake ng Mexican telenovela na "Rosalinda" noong taong 2009.

Read also

BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyo na ngayon ay asawa na niyang si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel