Alex Gonzaga, nangaroling sa limang presidential candidates

Alex Gonzaga, nangaroling sa limang presidential candidates

- Sa isang teaser para sa kanyang ilalabas na vlog, ibinahagi ni Alex Gonzaga ang kanyang pangangaroling

- Nagpunta siya sa lima sa pinakamatunog na pangalan para sa mga tumatakbo sa pagpakapangulo sa darating na 2022 election

- Kabilang sina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo Lacson, VP Leni Robredo, Mayor Isko Moreno at si dating senador Bongbong Marcos sa kanyang pinuntahan

- Makikita din sa binahagi niyang teaser na namahagi sila sa mga tao ng pamasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang lalong bumilib sa lakas ng loob ni Alex Gonzaga matapos niyang ibahagi ang teaser ng kanyang ilalabas na vlog sa kanyang YouTube channel. Base sa kanyang binahaging teaser, mangangaroling siya at kabilang sina Sen. Manny Pacquiao, Sen. Panfilo Lacson, VP Leni Robredo, Mayor Isko Moreno at si dating senador Bongbong Marcos sa kanyang pinuntahan.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Alex Gonzaga, nangaroling sa limang presidential candidates
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Makikita din sa binahagi niyang teaser na namahagi sila sa mga tao ng pamasko. Sa caption ng kanyang teaser, nilinaw niyang hindi Christmas party kundi namamasko lang siya.

Hindi po Christmas party namamasko lang po!!! Soon on my vlog!

Ang tinutukoy nito ay ang paglabas ng picture niya kamakailan kung saan kasama niya si dating senador Bongbong Marcos. May mga lumabas na espikulasyon kaugnay sa naturang pictures. Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Yung nabash ka dahil nakita ka sa balwarte ni Marcos, yun pala di lang pala kay Marcos.
Galing mo talaga ate alex @cathygonzaga you're gonna make this years christmas much much better,with laughter and love❤️ so excited po sa movie niyo ni ate @celestinegonzaga
Binash ka nila kasi daw pumunta ka sa balwarte ng mga marcos yun pala cla pala lahat ng presidential candidates ang pinuntahan mo para sa vlogs hays mga basher talaga.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 11 million na subscribers sa kasalukuyan.

Naibahagi kamakailan ni Alex ang kanyang karanasang mahablutan ng cellphone habang nasa EDSA. Nabawi naman niya ang kanyang telepono.

Samantala, kamakailan ay naging usap-usapan ang pagbigay ni Alex ng isang motorsiklo sa isang 12-anyos na bata na isang Valedictorian.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel