Derek Ramsay, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen sa pores ni Ellen

Derek Ramsay, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen sa pores ni Ellen

- Isang netizen ang nagkomento sa ibinahaging video ni Derek Ramsay kung saan pinakita niya ang mukha ng kanyang misis haban tulog

- Ayon sa naturang netizen, open pores din pala si Ellen at inakala niya umanong makinis ang aktres

- Agad namang sinagot ito ni Derek at sinabing makinis talaga si Ellen sabay tanong sa netizen kung makinis din ba siya

- Ang mag-asawang Ellen at Derek ay ilang beses na ring sumasagot sa kanilang mga bashers at haters sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na sinagot ni Derek Ramsaya ang isang netizen na pumuna sa umano'y open pores ni Ellen Adarna. Ito ay sa binahaging video ni Derek sa Instagram kung makikitang tulog na tulog si Ellen. Ayon sa naturang netizens, open pores din pala si Ellen at inakala niya umanong makinis ang aktres.

Read also

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

Derek Ramsay, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen sa pores ni Ellen
Derek Ramsay (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

Agad itong sinagot ni Derek at nilinaw na makinis naman talaga si Ellen. Binalik niya ang tanong sa nag-komentong netizen kung makinis daw ba ito. Ang mag-asawang Ellen at Derek ay ilang beses na ring sumasagot sa kanilang mga bashers at haters sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Screenshot from Derek Ramsay's IG post (ramsayderek07)
Derek Ramsay, hindi pinalampas ang pagpuna ng isang netizen sa pores ni Ellen
Source: Instagram

Samantala, sa post na ito ni Derek, marami ang nagpaalala sa kanya na babawian din siya ni Ellen sa ginawa nitong pagkuha ng video sa misis habang tulog ito.

Para syang sleeping beauty. Kaso pag nagising lagot ka Derek, Beastmode na yan!
Good luck D! Her ammo is ready
Sending prayers to Derek Ramsay. I wonder what she’ll do for revenge

Si Derek Ramsay ay isa sa mga pinakahinahangaang leading man sa bansa. Bumida siya sa ilang mga pelikula kagaya na lamang ng No Other Woman at English Only, Please.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, natupad ang hiling na magkaroon ng baby girl

Kamakailan ay naging usap-usapan ang naging pahayag ni Derek tungkol sa ex-boyfriend ni Ellen na si John Lloyd Cruz na siya ring ama ng unico hijo ni Ellen na si Elias.

Sa kabila ng pagiging masaya ng buhay-pag-ibig ng aktor, marami pa rin ang nambabatikos sa kanila ni Ellen. Gayunpaman, hindi ito inaatrasan ng dalawa at maraming beses na silang sumasagot sa mga bashers nila.

Malimit ding kinagiliwan ng mga netizens ang pagiging malapit ng anak ni Ellen sa kanyang Tito Derek.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel