Kylie Padilla, may hugot tungkol sa gaslighting kasunod ng patutsada ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla, may hugot tungkol sa gaslighting kasunod ng patutsada ni Aljur Abrenica

- Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram stories kasunod ng binitawang pahayag ni Aljur Abrenica

- Magkakasunod na mga awitin ang ibinahagi ng aktres kasunod ng pag-viral ng post ni Aljur patungkol sa kanilang paghihiwalay

- Wala pang direktang sagot si Kylie sa mga naging pahayag ni Aljur ngunit isang quote ang kanyang ibinahagi tungkol sa kakayahan ng isang lalaki na ipadama ang "guilt" sa maling bagay na kanyang nagawa

- Sa paglabas ng pahayag ni Aljur sa social media, hati ang naging reaksiyon ng mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang makahulugang quote ang ibinahagi ni Kylie Padilla sa kanyang Instagram stories. Kasunod ito ng viral na binitawang pahayag ni Aljur Abrenica sa social media kaugnay sa kanilang paghihiwalay. Hindi maiwasang iugnay ng netizens ang mga ibinahagi ni Kylie sa naging pahayag ng aktor.

Read also

Kylie Padilla, napa-tweet ng #passdivorcebill matapos ang post ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla, may hugot tungkol sa gaslighting kasunod ng patusada ni Aljur Abrenica
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Wala pang direktang sagot si Kylie sa mga naging pahayag ni Aljur ngunit isang quote ang kanyang ibinahagi tungkol sa kakayahan ng isang lalaki na ipadama ang "guilt" sa maling bagay na kanyang nagawa.

Ibinahagi ni Kylie ang quote ni Rihanna na "Never underestimate a man's ability to make you feel guilty for his mistakes."

Sa paglabas ng pahayag ni Aljur sa social media, hati ang naging reaksiyon ng mga netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan. Nagmula siya sa prominenteng angkan ng mga Padilla na kilala sa mundo ng showbiz.

Read also

AJ Raval, ibinahagi ang viral na statement ni Aljur Abrenica

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang problema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng bawat isa na ipahayag ang saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel