Veybillyn Gorens, nagantihan ng prank ng boyfriend niyang si Jomar Lovena

Veybillyn Gorens, nagantihan ng prank ng boyfriend niyang si Jomar Lovena

- Hindi napigilan ni Veybillyn Gorens na magalit kay Jomar Lovena dahil sa naging reaksiyon nito sa paglalambing ni Sachzna Laparan

- Bago pa maganap ang pag-uusap nina Sachzna at Jomar, kinausap ni Veybillyn si Sachzna para i-prank si Jomar

- Lingid sa kaalaman ni Veybillyn, kinausap ni Sachzna si Jomar para ipaalam ang balak na ito ni Veybillyn

- Iniiwasan lang umano ni Sachzna na baka pagmulan pa ng away ng dalawa kung itutuloy niya ang prank kay Jomar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi inasahan ni Veybillyn Gorens na siya pala ang mabibigla matapos niyang kausapin si Sachzna Laparan para i-prank si Jomar Lovena. Lingid sa kaalaman ni Veybillyn, kinausap ni Sachzna si Jomar para ipaalam ang balak na ito ni Veybillyn.

Veybillyn Gorens, nagantihan ng prank ng boyfriend niyang si Jomar Lovena
Veybillyn Gorens, nagantihan ng prank ng boyfriend niyang si Jomar Lovena (@bosskillah28)
Source: Instagram

Habang nag-uusap sina Sachzna at Jomar, kunwari ay lumabas si Veybillyn para masakatuparan na ang vlog na akala niya ay para kay Jomar.

Habang nakikinig siya sa usapan ng dalawa sa pamamagitan ng cellphone, hindi nito maiwasang mag-react sa mga sagot ni Jomar kay Sachzna.

Agad itong pumasok sa kwarto nang marinig niyang nagyakapan ang dalawa at agad nitong sinita si Jomar dahil pinaprank lang umano siya. Ikinabigla ni Veybillyn nang sabihin nina Sachzna at Jomar na siya pala ang na-prank.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jomar Lovena ay isang YouTuber sa Pilipinas. Nakilala ang tambalan nila ng isa pang YouTuber na si Sachzna Laparan. Gayunpaman, napagkasunduan nilang itigil ang kanilang paggawa ng mga content na magkasama. Kasunod nito ay pinakilala nila ang kanilang mga karelasyon.

Matatandaang kamakailan ay ipinakilala ni Jomar ang kanyang kasintahang si Veybillyn Gorens. Kasunod nito ay naibahagi niya ang tungkol sa pagdadalantao nito. Sa pinakahuling vlog naman ni Jomar ay ibinahagi niya ang video ng araw kung saan ipinanganak ni Veybillyn ang kanilang anak.

Sa isang bihirang pagkakataon ay muling nagkasama ang dating magka-tandem na sina Lovena at Sachzna matapos nilang magkaroon ng sari-sariling karelasyon. Gayunpaman, sa pagkakataong ito ay kasama nila ang kani-kanilang mga partner sa totoong buhay. Kasama din nina Jomar at Veybillyn ang kanilang anak na si Baby Sety nang pumunta sila kina Sachzna. Ikinatuwa ito ng mga tagahanga ng tambalan ng dalawa na nabuo noong magkasama pa lang sila sa mga vlogs nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel