Zeinab Harake, masaya sa patuloy na suporta sa kanya ni Wilbert Ross

Zeinab Harake, masaya sa patuloy na suporta sa kanya ni Wilbert Ross

- Sa kanyang Instagram story, nag-post si Zeinab Harake ng kanilang picture ni Wilbert Ross

- Aniya, iba ang love at care ni Wilbert sa kanya mula noon at hindi umano ito nagbago matapos ang lahat ng nangyari

- Pinasalamatan niya si Wilbert sa pagsuporta sa kanya at sa panghabangbuhay umano nilang pagkakaibigan

- Matatandaang bago sila huling nagkabalikan ni Skusta Clee ay si Wilbert ang nakakasama ni Zeinab sa kanyang mga naunang mga vlog

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi ni Zeinab Harake ang kanyang pasasalamat sa kaibigang si Wilbert Ross. Nagpasalamat si Zeinab sa pagkakaibigan nila at sa patuloy na pagsuporta umano nito sa kanya sa kabila ng lahat ng mga nangyari.

Zeinab Harake, masaya sa patuloy na suporta sa kanya ni Wilbert Ross
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram
Ayon kay Zeinab ay masaya siyang okay na sila ni Wilbert. Matatandaang naging usap-usapan noon ang naging pahayag ni Skusta Clee laban kay Wilbert.

Read also

Ivana Alawi, makulit na nakipagtawaran sa tindera sa Thailand

Matatandaang bago sila huling nagkabalikan ni Skusta Clee ay si Wilbert ang nakakasama ni Zeinab sa kanyang mga naunang mga vlog.

Ani Zeinab, iba ang love at care ni Wilbert sa kanya mula noon at hindi umano ito nagbago matapos ang lahat ng nangyari. Pinasalamatan niya si Wilbert sa pagsuporta sa kanya at sa panghabangbuhay umano nilang pagkakaibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa binahaging larawan ng kapatid ni Zeinab ay makikita din na kasama nila ang Team Zebby na kinabibilangan ng kapatid ni Zeinab na si Rana. Naroon din si Awra Briguela at vlogger din na si Mika Salamanca.

Kapansin pansin naman na naka-akbay pa si Wilbert kay Zeinab kaya naman kinilig ang WilZeb fans. Na ngayon ay umaasa na baka sakaling matuloy na ang naudlot na pagtitinginan ng dalawa.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Zeinab Harake, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "warning" na tweet

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel