Zeinab Harake, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "warning" na tweet

Zeinab Harake, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "warning" na tweet

- Marami ang naintriga sa isang tweet ni Zeinab Harake na naka-off ang reply para sa publiko

- Umani ito ng libo-libong likes at ni-retweet din ito nang maraming beses ng mga netizens

- Parehas sila ni Skusta Clee na usap-usapan matapos ang mga social media post ng rapper

- Hindi naman malinaw kung sino o ano ang pinapatungkulan ni Zeinab sa kanyang tweet na "warning!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hot topic pa rin sa social media sina Skusta Clee at Zeinab Harake. Ito ay dahil sa kanilang mga nakakaintrigang mga social media posts.

Zeinab Harake, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "warning" na tweet
Photo from Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Marami ang naintriga sa isang tweet ni Zeinab Harake na naka-off ang reply para sa publiko. Umani ito ng libo-libong likes at ni-retweet din ito nang maraming beses ng mga netizens. Hindi naman malinaw kung sino o ano ang pinapatungkulan ni Zeinab sa kanyang tweet na "warning!"

Read also

Zeinab Harake, nakisaya sa fiesta ng kinalakhang lugar; nag-sampol ng pagiging majorette

Narito ang ilan sa mga komento ng ilang Twitter users:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Mare, kinakabahan ako sayo! Spill the tea mare! Di kami makaka tulog neto.
Aabangan ko kung anong meron dito hahaha
Tago kana boi kase papunta na tayo sa exiting part

Matatandaang emosyonal na binahagi ni Zeinab kamakailan sa programa ni Toni Gonzaga ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Skusta Clee. Kasabay din ito ng pagkamatay ng anak niya na pinagbubuntis na aniya ay inilibing niyang mag-isa.

Sa isa sa kanyang huling vlog, hindi din napigilan ni Zeinab Harake ang kanyang emosyon habang pinapasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya. Aniya ay kakayanin niya iyon lahat dahil deserve ng anak niya ng malakas na mommy.

Si Zeinab Harake ay isang social media influencer at YouTube content creator. Naging kontrobersiyal ang relasyon nila ni Skusta Clee nang una silang maghiwalay kung saan ibinunyag ni Zeinab ang ilang bagay tungkol kay Skusta.

Read also

Julia Montes, pinakita ang mga natanggap na handwritten letters mula kay Susan Roces

Naging laman ng balita ang pagsasapubliko ni Zeinab na nagdadalang-tao siya sa anak nila ng kasintahang si Skusta Clee. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga ay inilahad ni Zenab ang ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang behind the scenes ng bonggang photoshoot ng baby girl niyang si Bia. Nagmukhang munting prinsesa ang baby nila ng boyfriend na si Skusta Clee ng 'Ex-Battalion.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel