Mariel Padilla, kinaaliwan sa kanyang hirit sa binahagi niyang picture

Mariel Padilla, kinaaliwan sa kanyang hirit sa binahagi niyang picture

- Kahit nasa bakasyon, tila updated si Mariel Padilla sa mga kaganapan dito sa bansa nitong mga nakaraang araw

- Sa isang post ay binahagi niya ang picture ng isang pink na bag kalakip ng tanong na kung kailangan pa bang picturan

- Umani ng mga reaksiyon ang post na ito ni Mariel na kuha sa Toledo sa Spain kung saan sila kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang kanyang mga anak

- Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang komento ng isang netizen sa post ni VP Leni Robredo kung saan binahagi niya ang picture ng anak niyang nagtapos sa New York University

- Kinuwestiyon ng naturang netizen kung kailangan pa bang kuhanan ng picture ni VP Leni ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kwela sa mga netizens ang hirit ni Mariel Padilla sa kanyang social media post. Sa isang post ay binahagi niya ang picture ng isang pink na bag kalakip ng tanong na kung kailangan pa bang picturan.

Read also

Cong TV, mas piniling makasama si Viy; hindi tumuloy sa Vietnam trip

Mariel Padilla, kinaaliwan sa kanyang hirit sa binahagi niyang picture
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Matatandaang nitong mga nakaraang araw naging usap-usapan ang komento ng isang netizen sa post ni VP Leni Robredo kung saan binahagi niya ang picture ng anak niyang nagtapos sa New York University.

Kinikuwestiyon nito kung bakita kailangan pang mag-picture ni VP Leni at i-post ang picture ng anak. Marami naman sa mga netizens ang gumaya sa komentong ito ng netizen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Matatandaang todo-todo ang suportang binigay ni Mariel sa kanyang mister at nakapag-live selling pa ito para lang matulungan sa kanyang kampanya si Robin. Nagbunga naman ang kanyang suporta sa kandidatura ng mister dahil ito ang nanguna sa lahat ng mga senatoriables.

Hindi napigilan ni Mariel Padilla na maiyak nang malaman niyang nanguna ang kanyang mister na si Robin sa pagka-senador. Sa kanyang binahaging post kamakailan, pinakita niya ang kanyang naging inisyal na naging reaksiyon sa natanggap na magandang balita.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel