Rob Moya, napa-tweet ng heart emoji kasunod ng balitang sinagot na ni Toni Fowler si Vince Flores

Rob Moya, napa-tweet ng heart emoji kasunod ng balitang sinagot na ni Toni Fowler si Vince Flores

- Matapos lumabas ang balita tungkol sa pagsagot ni Toni Fowler kay Vince Flores, isa sa inaabangan ng netizens ay ang magiging reaksiyon ni Rob Moya

- Wala pa itong nilalabas na video ngunit isang simpleng tweet ang kanyang ibinahagi sa kanyang Twitter account

- Heart emoji lamang ang kanyang tweet ngunit umani agad ito ng samu't-saring reaksiyon

- Si Rob ang naging karelasyon ni Toni bago siya naging single sa loob ng mahigit isang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang nakaabang sa magiging reaksiyon ni Rob Moya sa pagsagot ni Toni Fowler kay Vince Flores. Wala pa itong nilalabas na video ngunit isang simpleng tweet ang kanyang ibinahagi sa kanyang Twitter account.

Rob Moya, napa-tweet ng heart emoticon kasunod ng balitang sinagot na ni Toni Fowler si Vince Flores
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Bilang kilala na palaging sumasagot sa mga isyung pinupukol sa kanya, may mga nagsasabing gagawa ito ng video para ibahagi ang kanyang reaksiyon. Heart emoji lamang ang kanyang tweet ngunit umani agad ito ng samu't-saring reaksiyon.

Read also

Content creator na si Makagago, pinanindigan na scripted ang isyu nina Zeinab Harake at Skusta Clee

Kamakailan lang ay aminado si Rob na kinabahan siya sa collab nina Toni G. at Toni Fowler matapos lumabas ang panayam ni Toni Gonzaga kay Zeinab Harake.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagkaayos na sana sina Rob at Toni ngunit muli silang nagkasamaan ng loob nang magwala kamakailan si Rob sa isang bar nang lumabas sila para ipagdiwang ang kaarawan niya.

Matapos ang kanilang gulo, sinubukan ni Rob na makipag-ayos sa pamamagitan ng pagpapadala ng bulaklak kay Toni. Gayunpaman, tinapon lang ito ni Toni dahil aniya ay hindi na siya muling magpapaloko kagaya noong nangyari dati.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Music video ng kanta nina Gloc-9 at Skusta Clee, kabilang sa trending YouTube videos

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel