Piolo Pascual, sumampa sa entablado ng 'Leni-Kiko' Miting De Avance sa Bicol
- Isa si Piolo Pascual sa mga celebrities at performers na sumampa sa entablado ng 'Leni-Kiko' Miting De Avance sa Bicol
- Sa kauna-unahang pagkakataon, nakiisa si Piolo sa People's rally ng grupo nina VP Leni Robredo
- Ito ay matapos niyang ipahayag ang pagsuporta niya ng boluntaryo sa napupusuan niyang maging presidente ng Pilipinas
- Matatandaang inamin ni VP Leni na idolo niya si Piolo at nagulat labis siyang nagpapasalamat suporta nito sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kauna-unahang pagkakataon, sumampa na sa entablado ng 'Leni-Kiko' tandem ang aktor na si Piolo Pascual.
Nalaman ng KAMI na ilang araw matapos ihayag ni Piolo ang pagsuporta kay VP Leni Robredo na pinaniniwalaan niya na nararapat na maging susunod na presidente ng bansa, sumama at nakahabol siya sa Miting De Avance ng mga 'Kakampink.'
"Unang beses ko pong lumabas sa rally kasi po sa unang pagkakataon, gusto ko pong manindigan... manindigan para sa tama. Manindigan para sa totoo. Manindigan para sa isang honest na eleksyon na resulta para po sa ating lahat," ani Piolo.
Matapos ang maiksing mensahe sa mga kapwa niya 'Kakampink', kinanta niya ang 'Hawak Kamay' ni Yeng Constantino.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang kabuuan ng mga kaganapan ng ANGAT BUHAY BIKOLANDIA: Miting De Avance Para Kay Leni at Kiko mula sa YouTube channel na Leni Robredo:
Si Piolo Pascual ay isa sa kilalang aktor ng Pilipinas. Kamakailan, isa siya sa mga nakiisa sa boluntaryong sumuporta kay VP Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo para sa darating na eleksyon sa Mayo 9.
Labis na ikinatuwa ito ng bise presidente gayung aminado siya na matagal na siyang 'fan' ni Piolo.
Gayundin sa iba pang mga artista na sobra-sobra rin ang kanyang pasasalamat. Nabanggit ito ni VP Leni sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kung saan natanong siya nito kung ano ang pakiramdam niya gayung marami sa mga kilalang personalidad sa showbiz ay napili siyang suportahan.
Hindi man siya nagulat na siya ang sinusuportahan ng kanyang mga iniidolo, hindi lamang daw niya inaakala na maging ang malalaking pangalan sa showbiz ay lalantad ng boluntaryong susuporta sa kandidatura niya sa pagka-pangulo ng Pilipinas.
Source: KAMI.com.gh