VP Leni, isinama sa stage ang noo'y maki-BBM na rider na nag-angkas sa kanya

VP Leni, isinama sa stage ang noo'y maki-BBM na rider na nag-angkas sa kanya

- Isinama ni Vice President Leni Robredo sina Sherwin Abdon, ang rider na nag-angkas sa kanya sa unang campaign rally nila sa Cavite

- Kasama rin ni Sherwin ang misis niyang si Tin na aminadong dating BBM supporters

- Taos-puso pa rin na nagpasalamat sa kanila si VP Leni gayung maayos siyang nakarating noon sa venue

- Ngayon, isa na sa pinakamasisipag na mag-house to house ang mag-asawa bilang pagkampanya kay VP Leni Robredo

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ipinakilala ni Vice President Leni Robredo ang rider na si Sherwin Abdon, na siyang nag-angkas sa kanya noong unang bumisita siya sa Cavite sa General Trias.

VP Leni, isinama sa entablado ang rider na nag-angkas sa kanya at dating BBM supporter
VP Leni Robredo kasama sina Tin at Sherwin Abdon (Photo: Leni Robredo)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagaman at BBM supporter at loyalist si Sherwin, hindi ito nagdalawang isip na i-angkas si VP Leni na noo'y hindi makalusot ang sasakyan patungo sa venue ng campaign rally.

Read also

Kakampink celebrities, emosyonal na nakiisa sa thanksgiving rally ng Leni-Kiko tandem

Kaya naman taos-puso pa rin ang pasasalamat ni VP Leni sa nagawa na ito para sa kanya ni Sherwin.

"Maraming salamat Sherwin. Buti po nung nakita ako ni Sherwin pinasakay niya pa din ako... Ngayon, sila na ang pinakamasipag na nagkakampanya sa atin."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama rin ni Sherwin ang kanyang misis na matapos ang insidente ay pinag-aralang mabuti kung sino ba talaga si VP Leni.

At nang malaman umano ang mga nagawa nito para sa bayan, nagsesisyon silang maging isa na ring ganap na 'Kakampink.'

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa Bagong Anyo ng Buhay - BANYUHAY: Caviteño, Ipanalo Na10 To!:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Read also

VP Leni Robredo, dumalaw sa burol ng yumaong supporter na si Nanay Gloria

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan ay inalmahan ni VP Leni ang mga fake news tungkol sa kanya kung saan sinabing mayroon siyang unang asawa sa edad 15, at nagkaroon daw siya ng anak dito na nagawa pa raw niyang iabandona.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel