Leni-Kiko supporters ng Zamboanga, sinabing hindi sila bayad; VP Leni, sumagot

Leni-Kiko supporters ng Zamboanga, sinabing hindi sila bayad; VP Leni, sumagot

- Bumuhos ang suporta ng mga taga-Zamboanga kay Vice President Leni Robredo

- Pinaunlakan niya ang Zamboanga Peninsula People's Rally kasama ang kanyang grupo na dinagsa ng libo-libo nilang 'Kakampink'

- Napasigaw ang mga supporters na hindi umano sila bayad at agad naman itong sinagot ng presidential candidate

- Kaya naman daw labis-labis ang pasasalamat niya sa mga ito lalo na at nanalo rin siya sa lugar noong 2016 bilang bise presidente ng bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling bumuhos ang suporta ng mga 'Kakampink' sa grand rally ng kanilang presidential bet na si Leni Robredo at ang running mate niya sa pagka-bise presidente na si Kiko Pangilinan.

Nalaman ng KAMI na libo-libong mga supporters ng 'Leni-Kiko tandem' at kanilang grupo ang dumagsa sa Zamboanga Peninsula People's Rally na ginanap ngayong Marso 17.

Read also

Leni Robredo, hindi naapektuhan ng bashers ayon sa mga anak na sina Aika at Tricia

Leni-Kiko supporters ng Zamboanga, sinabing hindi sila bayad; VP Leni, sumagot
Presidential candidate Leni Robredo (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Sa pagsasalita ni VP Leni, hindi naiwasang mapahiyaw ang mga tao ng 'Hindi kami bayad' na agad namang sinagot ng bise presidente ng "Alam ko 'yon, madalas nga abonado pa kayo."

"2016 pa lang po, nasa likod ko na ang Zamboanga. At halos buong Zamboanga at halos buong Zamboanga Peninsula. Ipinanalo niyo po ako rito sa inyo. Ngayon, mas dumarami na tayo at lumalakas na ang ating hanay... Gaya ng sa lahat ng lugar na napuntahan natin. Nag-uumapaw ang Pilipino sa pag-asa," bahagi ng mensahe ni Robredo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dito nagsisimula ang pagkakisang hindi kayang pekein. Hindi kayang hakutin. Hindi bayaran," dagdag pa ni kasalukuyang bise Presidente.

Dahil dito, labis-labis naman ang pasasalamat niya sa mga taga-Zamboanga.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan mula sa kanyang YouTube channel na Leni Robredo:

Read also

Video ni VP Leni na pinapanhik sa stage ang nag-request ng "mother's hug", viral

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.

Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica