Rob Moya, dineadma ni Toni Fowler nang subukan niya itong lapitan

Rob Moya, dineadma ni Toni Fowler nang subukan niya itong lapitan

- Sa kanyang bagong YouTube video, ipinakita ni Rob Moya ang kanilang muling pagkikita ni Toni Fowler

- Ito ay sa isang taping na dati pa umanong naka-schedule ayon na rin sa pahayag ni Toni sa kanyang vlog

- Sinubukan ni Rob na lumapit sa kanyang ex na kasama si Vince Flores ngunit dineadma siya nito

- Matatandaang nagkaayos na sana ang dalawa ngunit naudlot ito nang bigyan ni Rob ng singsing si Toni at humihiling kung pwede siya manligaw uli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinubukan ni Rob Moya na lumapit kay Toni Fowler nang muli silang magkasama sa isang taping na naka-schedule na noong hindi sa sila nagkakagulo. Gayunpaman, hindi siya pinansin ni Toni at iniwasan siya nito.

Rob Moya, dineadma ni Toni Fowler nang subukan niya itong lapitan
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Makikita sa ibinahaging video ni Rob ang kanyang paglapit sa kinaroroonan nina Toni at Vince Flores. Gayunpaman, nang makita niyang maraming tao ang naroroon ay bumalik siya dahil baka mapahiya umano siya.

Read also

Lola sa viral video na nag-aabang kay VP Leni noong kampanya, pumanaw na

Nang matapos ang taping, ayon kay Toni ay natatawa na lang siya dahil parang hindi na ganoon ka"big deal" sa kanya ang kanilang naging gulo.

Gayunpaman, nagkaroon umano sila ng parinigan at aminado din si Toni na napairap na lamang siya. Kasama ni Toni sa nasabing taping ang kanyang manliligaw na si Vince Flores na siyang nagmaneho para maihatid si Toni.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naroon din si Vince nang subukan ni Rob kamakailan na magpaalam kung pwede ba siyang manligaw uli kay Toni dahil alam naman daw niyang wala pa itong karelasyon.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y bagong love life ni Barbie Imperial: "'Yan ang aalamin natin"

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend. Gayunpaman, nagkahiwalay din sila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel