Tim Sawyer, nagkanda-utal-utal dahil sa attitude prank ni AJ Raval

Tim Sawyer, nagkanda-utal-utal dahil sa attitude prank ni AJ Raval

- Ang inakala ni Tim Sawyer na masayang collaboration kasama si AJ Raval ay nakapagpataranta sa kanya

- Hindi niya inasahan ang pagtataray at pagmamaldita ni AJ habang sinubukan niya itong tanungin ng ilang katanungan na kanyang inihanda

- Lingid sa kanyang kaalaman ay isang prank pala ang inihanda nina AJ sa kanya at iyon ay ang "Attitude prank"

- Tila nabunutan naman ng tinik si Tim nang malaman niyang prank lamang ang lahat ng pinakitang pagtataray ni AJ

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi maitago ni Tim Sawyer ang kanyang saya nang ipakilala niya si AJ Raval sa kanyang viewers sa ibinahagi niyang YouTube video. Gayunpaman, nagkanda-utal-utal ito nang tarayan ni AJ habang nasa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap.

Tim Sawyer, nagkanda-utal-utal dahil sa attitude prank ni AJ Raval
Tim Sawyer
Source: Facebook

Lingid sa kanyang kaalaman ay isang prank pala ang inihanda nina AJ sa kanya at iyon ay ang "Attitude prank." Marami ang naaliw sa video na ito ni Tim kung saan hindi nito natunugan na pinaprank na pala siya:

Read also

Nathan Juane at Michael Ver Comaling, pasok na sa PBB adult edition Final 5

Ang galing ng prank nato.. napakagaling ni aj at lahat ng collaborators..at si tim magaling syang magtimpi. One of the best pranks na napanood ko.
Ang galing ni AJ!Pati kami nalito sa Inyo! Dahil si Tim Sawer Hindi na alam ang itatanong . Haha! Ikot ang pwet ni Tim pati kami, thanks! Pati kami nahilo ang galing ng acting ni AJ !

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Haha, na prank din ako..kala ko nga din yan tlga ugali ng idol ko..i love you AJ!

Unang sumikat si Tim sa social media dahil sa pag viral ng video niya kung saan nagustuhan niya ang isang flight attendant.

Sina Tim Sawyer at China Roces ay mga social media artists na gumagawa ng mga video na may tema tungkol sa pakikipagrelasyon. Marami ang naaliw sa mga videos ng dalawa.

Read also

Pinay sa Ukraine, ibinahagi ang sitwasyon nila sa pagtatago sa basement

Matatandaang inihingi ng paumanhin na vlogger ang kanyang naging asal matapos sabihin ng flight attendant na nadismaya siya sa ginawa ni Tim. Sinabi rin nitong may asawa na siya at anak. Kasunod nito, naging patok din sa netizens ang video kung saan humihirit siya sa DJ na si Raqi Terra.

Matatandaang muling umingay ang kontrobersiyal na hiwalayan nila ni China matapos isapubliko kamakailan ang paghain ng warrant of arrest sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel