Nathan Juane at Michael Ver Comaling, pasok na sa PBB adult edition Final 5

Nathan Juane at Michael Ver Comaling, pasok na sa PBB adult edition Final 5

- Inanunsyo na ni Big Brother na sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling ang unang dalawang housemates na pasok sa kanyang Final 5

- Ito ay matapos ang isinagawa nilang task na napagtagumpayan ng dalawa

- Halos hindi makapaniwala ang dalawa sa anunsyo ni Kuya at ngayo'y tatlo na lamang ang hihintayin nila para bumuo ng final 5

- Labis namang natuwa ang kapatid ni Nathan na si Raf na bagama't mataas ang puntos na nakuha sa task ang kanyang kuya Nathan ang siguradong may pwesto na sa Final 5

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila ginulat ni Big Brother ang mga adult housemates ng PBB Kumunity Season 10 nang sabihing sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling ay pasok na sa kanyang Final 5.

Nathan Juane at Michael Ver Comaling, pasok na sa PBB adult edition Final 5
Sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling, pasok na sa PBB adult edition Final 5 (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bagaman at ang kapatid ni Nathan na si Raf at si Michael ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa pinakahuli nilang task, pinahalagahan din ni Kuya ang katatagan ng mga housemates upang tapusin ang pagsubok nang 'di sumusuko.

Read also

Final 5 ng PBB adult edition, buo na; Laziz at Raf ang pinakabagong evictees

"Matapos ang task na aking ibinigay, ang dalawang pinakamataas na points ay sina Michael at Raf. Pero pinapahalagahan ko ang hindi pagsuko sa gitna ng pagsubok at hirap. Isang katangian na hinahanap ko sa mga taong maiiwan hanggang dulo. Kung kaya, dahil sa ipinakita nina Nathan at Michael na tapusin ang hamon sa kabila ng hirap na kaakibat nito, sila ang karapat-dapat maging bahagi ng aking final 5," ang anunsyo ni Kuya.

"Michael at Nathan, kayo ang bahagi ng final 5 ko," ang kumpirmasyon ni Kuya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Sina Nathan Juane at Michael Ver Comaling ay kabilang sa unang sampung housemates na pumasok sa bahay ni Kuya ilang araw matapos na tanghaling Top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion ng PBB Kumunity Season 10 celebrity edition.

Read also

VP Leni Robredo, pinasalamatan ang nasa 40,000 na Bulakenyo sa kanyang campaign rally

Nakasama nina Alyssa at Anji sina Samantha Bernardo, Brenda Mage at Madam Inutz sa Final 5.

Samantala, kamakailan ay pormal nang nilisan ni Toni Gonzaga ang programang Pinoy Big Brother kung saan naging main host siya sa loob ng 16 na taon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel