Whamos at Antonette Gail, umamin na kaugnay sa "scripted na vlog episode"

Whamos at Antonette Gail, umamin na kaugnay sa "scripted na vlog episode"

- Matapos umani ng mga negatibong komento kaugnay sa umanong "scripted vlog," minabuti nina Whamos at Antonette Gail na linawin ang isyu

- Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos

- Ani Antonette, plano talaga niyang sorpresahin si Whamos ngunit natunugan umano ito ng boyfriend kaya nagpumilit sumama

- Nilinaw din nilang ito lamang ang scripted nilang vlog at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang pag-amin sa isyung kinasasangkutan, nilinaw nina Whamos at Antonette Ga na ito lamang ang scripted nilang vlog at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Read also

Whamos Cruz, usap-usapan dahil sa surprise ng kanyang girlfriend

Whamos at Antonette Gail, umamin na kaugnay sa scripted na vlog
Kim Whamos (@masterwhamos)
Source: Instagram

Paliwanag pa ni Antonette, plano talaga niyang sorpresahin si Whamos ngunit natunugan umano ito ng boyfriend kaya nagpumilit sumama. Inihingi nila ng dispensa sa mga taong hindi natuwa sa kanilang ginawa.

Gusto din umano nilang ipakita na pwede ding ang babae ang magbigay ng regalo o sorpresa sa kanilang mga boyfriend, taliwas sa nakasanayang babae ang laging sinosorpresa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

What matter is may louis Vuitton sila and they have genuine love for each other.Ang mga movie nga scripted..pinapanuod..nagbbayaad pa kaya scripted or not its up to us if we will watch it naman.
No explanation needed.... iLike your videos both and I enjoyed it.... God bless and stay happy in Love.
Naku wag na nating gawing big deal. Maging masaya nalang tayong lahat. Hay mga idol ko tuwang tuwa talaga ako sa mga vlogs nyo.

Read also

Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021

Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media sa publiko. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa higanteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel