Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021

Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021

- Sa programang 'Kapuso mo Jessica Soho', ibinahagi ni Glaiza de Castro ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang fiance na si David Rainey

- Kinasal umano sila noong October 2021 ngunit napagpasyahan nilang huwag munang isapubliko ito

- Aniya, ang kanyang asawa ay isang pribadong tao at nais nilang ma-celebrate kasama ang kanilang mga pamilya

- Magkakaroon pa umano sila ng isa pang church wedding dito naman sa Pilipinas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa programang Kapuso Mo Jessica Soho, ibinahagi ni Glaiza de Castro ang tungkol sa pagpapakasal nila ng kanyang fiance na si David Rainey. Kinasal umano sila noong October 2021 ngunit napagpasyahan nilang huwag munang isapubliko ito.

Glaiza de Castro, kinasal na kay David Rainey noong October 2021
Glaiza de Castro (@glaizaredux)
Source: Instagram

Aniya, ang kanyang asawa ay isang pribadong tao at nais nilang macelebrate kasama ang kanilang mga pamilya.

“We're just waiting for the right time. David was a very private person. We just wanted to celebrate it for ourselves and with the family.”

Naganap ang kanilang kasal sa Northern Ireland matapos nilang magkasama noong nakaraang taon. Idinaos ang kanilang kasal sa location site ng hit series na “Game of Thrones.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi pa umano sila nagbigayan ng singsing dahil ito ay kanilang gagawin sa kasal na gaganapin naman dito sa bansa. Bumuhos ang pagbati para sa kanila:

Congratulations Miss @glaizaredux welcome sa masayang buhay may asawa. ANG PINAKAMATIBAY na pundasyon ng mag asawa ay ang tiwala sa isat isa,respeto,at tunay na pagmamahal.kung wala ka isa MN jan sa tatlo wag kna mag asawa.
Sa buhay may kanya kanya tayong desisyon, nasasaatin na lang kung paano tayo magpapasya sabi nga ni the flash sa movie na zack snyder's justice league na "make your own future." Kaya ano man ang sabihin ng iba, hindi nangangahulugan na tama ang pananaw nila.

Congrats mareng Glaiza
Glaiza left the world of being single. Sana all tlga nakakapagod na dito sa mundo naming mga single..sana maupgrade na ako gaya ni mareng Glaiza

Si Glaiza Castro Galura o mas kilala sa kanyang screen name na Glaiza de Castro ay isang Pinay actress at isa ding song writer at mang-aawit. Nakilala siya bilang isa sa mga artista ng GMA-7 noong 2001 at kinalaunan ay lumipat sa ABS-CBN, kung saan gumanap siya sa ilang supporting roles. Bumalik siya sa GMA noong 2006.

Matatandaang naging usap-usapan ang binahaging pre-wedding photos ng aktres at ng kasintahan nitong si David. Matatandaang nag-shoot sila ng kanilang prenup photos sa Ireland.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel