Whamos Cruz, usap-usapan dahil sa surprise ng kanyang girlfriend

Whamos Cruz, usap-usapan dahil sa surprise ng kanyang girlfriend

- Sa kanyang vlog, ibinahagi ng girlfriend ng vlogger na si Kim Whamos Cruz na si Antonette Gail ang kanyang Valentines surprise sa kanyang boyfriend

- Makikita sa naturang video ang pagsorpresa ni Antonette kay Whamos na nakahiga pa sa higaan nang siya ay umuwi

- Gayunpaman, may picture na lumabas sa social media kung saan makikitang kasama ni Antonette sa kanyang pinamilhan ng kanyang sorpresa

- Kaya naman, marami sa mga netizens ang nag-react sa umano'y "scripted" na vlog ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang sorpresa sa kanyang boyfriend ngayong Valentines Day, namili si Antonette Gail ng sapatos. Binili niya ng mamahaling sapatos ang kanyang boyfriend na si Kim Whamos Cruz at sinorpresa niya ito.

Whamos Cruz, usap-usapan dahil sa surprise ng kanyang girlfriend
Kim Whamos (@masterwhamos)
Source: Instagram

Makikita sa naturang video ang pagsorpresa ni Antonette kay Whamos na nakahiga pa sa higaan nang siya ay umuwi. Gayunpaman, may picture na lumabas sa social media kung saan makikitang kasama ni Antonette sa kanyang pinamilhan ng kanyang sorpresa.

Read also

Whamos at Antonette Gail, umamin na kaugnay sa "scripted na vlog episode"

Marami sa mga netizens ang umalma dahil sa anila ay scripted na vlog ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, may mga netizens na natuwa sa sorpresang ito ng dalaga:

You're so lucky to have him with you Whamus)keep praying for ur both blessed. Happy Hearts day!
Mmapapa sana all ka na lang talaga. Happy Valentines Day! More more love sa inyu.deserve nyo yan kasi pinaghirapan nyo pinambibili diyan. Stay pretty and humble Antonette Gail stay inlove as well .
Hi miss antonette sobra akong namangha sa blog nyo ni whamos.or sa habibi mo.dahil napakasweet nyong dalawa. Maganda kana mabait kapa sa sweet heart mo ..suwerte ni Whamos.

Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Sa kasalukuyan, lalong naging malakas ang social media sa publiko. Matapos ngang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN na maituturing na isa sa higanteng TV network sa bansa, unti-unting nasanay ang tao na manood na lamang sa internet kesa sa telebisyon.

Kaya naman, maraming mga influencers at social media personalities ang sumikat kagaya na lamang nina Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome at marami pang iba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel