
Florence Jose







Up to now pala ay wala pa ring communication si Lito Lapid sa kaniyang anak na si Ysabel Ortega. Inamin ng dalaga na nangungulila siya sa pagmamahal at gabay ng isang ama. Ikinuwento din ni Ysabel na noong bata siya ay close sila.

Walang kinalaman sa lovelife ang desisyon ni LJ Reyes na wag iwanan ang home network niyang GMA 7. Ayon sa aktres, maayos ang kondisyon at trabaho niya sa Kapuso network at sigurado siyang hindi siya lilipat in the near future.

Sa araw ng kasal mismo ni Coleen Garcia at Billy Crawford pumanaw ang kaniyang best friend for 17 years. Kuwento ni Coleen, pumanaw ang kaniyang chuhuahua na si Bambi, umaga bago sila ikasal ng nobyo sa Balesin.

Ibinunyag ni Camille Prats na naging 'pasaway' din siya noong kabataan niya. Nagtago din daw siya ng boyfriend at Sinikreto ito sa kaniyang pamilya at sa kuyang si John Prats. Kinuwento din nya ang kaniyang effective na palusot.

Ipinaliwanag ng concert producer na si Joed Serrano kung bakit sobrang mahal ng tickets sa nalalapit na concert ni Celine Dion sa bansa. Aniya, firts concert ito ni Celine sa Pilipinas, kung kaya't mahal ang bentahan ng tickets.

Pabitin ang caption at post ni Mikael Daez sa kaniyang Instagram post tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Megan Young. Maraming netizens ang nabiktima ng caption ni Mikael, na nag akalang engaged na ang dalawa.
Florence Jose
Load more