'Hindi niya alam na ‘yung best friend niya, jowa ko na!' Camille Prats, inaming naging pasaway na teenager din siya

'Hindi niya alam na ‘yung best friend niya, jowa ko na!' Camille Prats, inaming naging pasaway na teenager din siya

- Ibinunyag ni Camille Prats na naging 'pasaway' din siya noong kabataan niya

- Ayon sa host, nagtago din siya ng boyfriend at isinikreto ito sa kaniyang pamilya at sa kuyang si John Prats

- Kuwento niya, "Hindi alam ni kuya na ‘yung best friend niya, jowa ko na"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Camille Prats na katulad ng maraming kabataan, naging pasaway na teenager din siya noong araw. Kuwento ng 'Mars' host, naranasan niya din na magtago ng boyfriend, lalong lalo na sa kapatid niyang si John Prats.


Kuwento ni Camille, “Nung teenager pa ako, ‘yung kuya ko natutulog kami parati sa isang room kasi super clingy kami sa isa’t isa. Hindi alam ni kuya na ‘yung best friend niya, jowa ko na.”

Natatawang binalikan ng mom of two ang nakaraan ng ibahagi na nahuli siya ng kaniyang kuya dahil sa isang simpleng text message na naipadala niya kay John.

Nang patulog na raw sila, nag-text daw si Camille sa kaniyang boyfriend, pero sa Kuya John niya na-send. Ang text: “Good night, babe. I love you.”

Ang reply ni John sa kaniya? “Sinasabi ko na nga ba ‘eh. May tinatago ka sa ’kin ‘eh.”

Pagmamalaki ni Camille, nalusutan niya ang kapatid para hindi mabuking at mapagalitan ng kaniyang kuya John.

Aniya, “Nag-iisip ako ng palusot.” Ang paliwanag niya raw kay John, tini-text niya ang sarili niya paminsan. “Kuya hindi. Ginagawa ko talaga ‘yan gabi-gabi. Tini-text ko talaga ‘yung sarili ko ng ganyan. Na-send ko lang sa ’yo. Kasi ‘di ba ang sarap sa pakiramdam na may nagsasabi sa ’yo ng ‘Good night, babe. I love you.’?"

Effective naman daw ang palusot ni Camille. “Naniwala siya sa ’kin.”

Dagdag niya, “Talagang suntok sa buwan ‘yung pagsisinungaling ko, because it was such a lame story. Who would believe that, ‘di ba?”

Para mas maging tunog kapanipaniwala, hinikayat pa raw ni Camille na i-text rin ni John ang sarili niya ‘pag gabi para ‘di malungkot. At ginawa naman daw ito ng kanyang kuya.

Isa sa pinakamalalapit na showbiz siblings sina Camille at John. Kapamilya si John na may mga regular na palabas katulad ng "Banana Sundae'. Si Camille naman ay host ng 'Mars' sa Kapuso network.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Michael V breaks his silence on Ogie and Regine’s transfer to ABS-CBN

Michael V breaks his silence on Ogie and Regine’s transfer to ABS-CBN

Michael V breaks his silence on Ogie and Regine’s transfer to ABS-CBN
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel