Concert producer, nagpaliwanag kung bakit sobrang mahal ng tickets sa concert ni Celine Dion
- Ipinaliwanag ng concert producer na si Joed Serrano kung bakit sobrang mahal ng tickets sa nalalapit na concert ni Celine Dion sa bansa
- Aniya, first concert ito ni Celine sa Pilipinas, kung kaya't mahal ang bentahan ng tickets
- Dagdag pa ni Joed, minsan lang magconcert ang mga katulad ni Celine sa bansa na factor din sa presyo ng mg ticket
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuloy na tuloy na ang pinakaunang concert ni Celine Dion sa Pilipinas. Matapos macancel ang tour noong nakaraan, kinumpirma ng on concert producer na si Joed Serrano na finally, mapapanood na ng Pinoy fans ang kanilang idol.
Ngunit, apela ng madami, napakamahal ng presyo ng concert ng sikat na singer. Nagkakahalaga ang VIP tickets ng P35,000.
“Mahal talaga,” pag-amin niya tungkol sa presyo ng tiket. “Kasi, siguro, dahil si Celine Dion first time pupunta,” dagdag niya.
Paliwanag pa ng concert producer, minsan lang mag concert ang mga kagaya ni Celine sa bansa, kaya mahal ang bentahan ng ticket.
“Yung mga local, kahit taun-taon silang mag-concert, okey lang. Yung kay Celine, minsan lang kaya ganun yung presyo."
“Dapat darating na siya dito noon pa, kaso lang, una, nagkasakit yung husband and then namatay, so she needs to cancel the tour,” kuwento ni Joed.
Nakatakda ang concert ni Celine Dion sa bansa sa darating na July 19 and 20. Inaasahang libo-libong fans niya ang manonood nito sa SM Mall of Asia Arena. Matatandaang kinancel ng singer ang tour, kasama ang show sa Pilipina ng magkasakit ang kaniyang asawa.
"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel!
Source: KAMI.com.gh