LJ Reyes, hindi magiging 'Kapamilya' para iwasan si Paulo Avelino?

LJ Reyes, hindi magiging 'Kapamilya' para iwasan si Paulo Avelino?

- Walang kinalaman sa lovelife ang desisyon ni LJ Reyes na wag iwanan ang home network niyang GMA 7

- Ayon sa aktres, maayos ang kondisyon at trabaho niya sa Kapuso network at sigurado siyang hindi siya lilipat ng estasyon in the near future

- Hindi daw dahil kay Paulo ang desisyon at inaming okay naman ang kanilang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi iiwanan ni LJ Reyes ang home network niyang GMA 7.

Ito ay matapos mag-over the bakod ang Starstruck batchmate at kaibigan niya na si Ryza Cenon.

Ayon sa aktres, maayos ang kondisyon at trabaho niya sa Kapuso network at sigurado siyang hindi siya lilipat ng estasyon in the near future.

Nang inintriga kung factor ba ang ex niyang si Paulo Avelino sa pagtangging lumipat, mariing sinagot ni LJ na hindi naman sila alangan sa isa't-isa.

“Okey naman kami. Nakikita naman niya si Aki. Medyo busy lang siya (Paulo) ngayon. Ang ginagawa niya, binibisita niya si Aki sa school. Nagkikita nga kami (sa school, eh). Okey naman.”

Itinanong din ng ilang members ng press kung ginagampanan ba ng Kapamilya actor ang responsibilidad sa anak at kung nagbibigay ba ito ng financial support sa anak nilang si Aki, sinabi ng aktres na ayaw niya na itong pag-usapan.

“Huwag na nating pag-usapan ‘yon. Basta, okey kami. Nag-uusap naman kami,” aniya.

Bida ngayon si LJ sa Kapuso drama na 'The Cure', kung saan ginagampanan niya ang papel ng kontrabida. Si Paulo naman ay may upcoming movie with Bea Alonzo at Derek Ramsay.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay

May rason pala! Meghan Markle may nakakagulantang na mga dahilan kung bakit di imbitado ang pamilya sa royal wedding maliban sa nanay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel