Lalaki, nabugbog ang GF at tropa nito na nahuli niyang magkapatong

Lalaki, nabugbog ang GF at tropa nito na nahuli niyang magkapatong

- Dahil sa pagkabigla nang madatnang magkapatong at hubo't hubad umano ang kanyang nobya at kaibigan nito ay nabugbog niya ang dalawa

- Ayon pa sa lalaki, ibinigay niya ang lahat ng pangangailangan ng nobya, maging ang pag-aralin ito

- Samantala, ang dalawa naman, agad na lumapit kay Raffy Tulfo para humingi ng tulong laban sa lalaking nanggulpi sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inireklamo ng magkaibigang Raymart Santiago at Nikka Ella Eguallan ang nobyo ng huli na si Ardie Albalate dahil sa pangbubugbog nito sa kanilang dalawa.

Lumapit sila sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong laban kay Albalate.

Pero depensa ni Albalate, nagawa niya ang pananakit sa dalawa dahil nahuli niya umano ang mga ito na magkapatong at hubo't hubad.

Bukod sa mga hubad na larawan ng dalawa ay mayroon ding ebidensiya ng pag-amin ni Santiago si Albalade.

Anito, ibinigay na niya ang lahat para sa nobya maging ang pag-aralin ito.

Giit naman ng dalawa, sapilitan lamang pinaghubad ni Albalate si Santiago at maging ang ipinarinig na pag-amin ni Santiago ay dala lang ng pananakot nito sa kanila.

Sabi pa ni Eguallan, nakikipaghiwalay na raw siya kay Albalate ngunit tinatakot naman siya nito.

Ayon naman sa isang abogado, hindi maaaring gamitin ang ebidensiyang hawak ni Albalate para maabswelto ito sa kaso.

Pero ayon naman kay Raffy Tulfo, hindi rin tama ang ginawa ni Eguallan at Santiago sa inireklamong lalaki lalo pa at umamin naman ang dalawa na mayroon na ngang nangyari sa kanila habang magkarelasyon pa si Eguallan at Albalate.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel