2-anyos na bata, pumanaw dahil sa candy na kinain galing sa 'Trick or Treat'

2-anyos na bata, pumanaw dahil sa candy na kinain galing sa 'Trick or Treat'

- Binawian ng buhay ang 2 taong gulang na si Liam Ezekiel matapos nitong makalunok ng candy na nakuha niya nitong nakaraang Halloween

- Parehong nasa trabaho ang mga magulang ng bata nang mangyari ang aksidente

- Hindi pa rin lubos na makapaniwala ang mga magulang ng bata sa sinapit ng kanilang musmos na anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 2-anyos na bata ang binawian ng buhay matapos nitong aksidenteng malunok ang lollilop na nakuha nito sa 'Trick or Treat' nitong nakaraang Halloween.

Nalaman ng KAMI na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga magulang ng bata sa sinapit ng kanilang anak.

Sa naging ulat ng GMA mula kay John Consulta, inilahad ng kapitbahay ng nasawi ang mga nangyari. Ayon kay Leopoldo Corsino Jr., lumapit ang 2-anyos na si Liam Ezekiel sa kanya nang makauwi siya pasado 7pm mula sa kanyang trabaho.

Pinabuksan ni Liam ang lollilop na nakuha nito mula sa 'Trick or Treat' event sa Pasay City. Parehong nasa trabaho ang mga magulang ni Liam ng mga oras na ito. Ang kanyang ama ay isang jeepney driver habang ang kanyang ina naman ay isang staff sa restaurant.

Matapos daw ang ilang minuto ay nadinig na lamang ni Leopoldo na umiiyak at hindi makahinga ang bata.

Sinubukan niya at ng tiyahin ni Liam na alisin ang lollilop na bumara sa lalamunan ng bata. Una nila itong dinala sa malapit na clinic at sinugod sa San Juan De Dios Hospital kalaunan. Pero dead on arrival si Liam sa nasabing ospital.

Ang ina ni Liam na si Shiela Enriquez ay hindi pa rin matanggap ang nakakapanlumo na sinapit ng kanilang anak.

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

As reported earlier by KAMI, isang netizen ang nagbahagi ng larawan ng isang dalagita na nagawang pakainin ang isang batang pulubi. Makikitang sinusubuan pa niya ang batang tinatayang nasa 4-6 na taong gulang lamang. Hinangaan ang dalagita dahil sa di inaasahan nitong pagmamalasakit sa batang paslit.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

In this video of Showbiz Kami, we tackled Alexa Ilacad's Bold Question To Nash Aguas! Check out more of our videos - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel