OFW na salawahan, pinauwi ni Raffy Tulfo sa Pinas

OFW na salawahan, pinauwi ni Raffy Tulfo sa Pinas

-Kahabag-habag ang sitwasyon ng isang mister na niloko raw ng kanyang misis na isang OFW

-Ayon kasi kay mister, hindi lamang iisang lalaki ang naging karelasyon ng asawa at marami pa siyang nadiskubre

-Isa na rito ang isang Pakistani na may asawa na rin. Ngunit giit ni misis, kaibigan lamang niya ang lalaki

-Kaya naman sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo ay mapapauwi na ang salawahang misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi lamang daw iisa ang lalaking nakarelasyon ng kanyang misis, ayon kay Joco Diaz Francisco na idinulog ang problema sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon kay Joco, ilang lalaki ang nahuli niyang ka-chat ng kanyang misis na si Marietta Francisco, isang overseas Filipino worker (OFW) sa Oman.

Sabi pa ni mister, nagawa niyang ma-hack ang Facebook account ng asawa at doon niya nadiskubre ang panloloko nito sa kanya.

Bukod pa raw sa mga naging karelasyon nito sa Pilipinas ay mayroon pa itong karelasyon na Pakistani na driver naman ng amo ni misis sa Oman.

Nagawa pang kontakin ng programa ni Tulfo ang dalawa sa naging 'fling' ni misis sa Pinas at pareho nilang inamin na nakarelasyon nga ang ginang bagamat matagal na raw itong tapos.

Nang makausap naman ang inireklamong si Marietta ay itinanggi nito na may relasyon siya sa Pakistani na tinukoy ni mister.

Nalaman din ni idol Raffy mula sa Agency ni Marietta na binigyan na pala nila ng babala ang ginang kaugnay ng larawan nito sa Facebook kasama ang Pakistani.

Dahil dito at sa reklamo ni Joco, ay mapapauwi na lamang sa bansa si Marietta na sinang-ayunan naman nito.

Hindi naman napigilan ni Tulfo ang mahabag sa sitwasyon ni mister lalo na nang malaman na siyam na araw pala itong natulog sa labas ng tanggapan ng TV5.

Samantala, isa namang dayuhan na complainant din sa programa ni idol ang nag-abot ng tulong para kay Joco nang makita ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa ring mister ng OFW ang lumapit kay Raffy Tulfo para ireklamo ang salawahang misis! Nanindigan pa ito na hindi na babalik pa sa asawa kahit ipakulong siya nito!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel