OFW na aminadong nagkaroon ng mga BF, 'di na keri bumalik kay mister

OFW na aminadong nagkaroon ng mga BF, 'di na keri bumalik kay mister

- Umiiyak na idinulog ng mister mula sa Sultan Kudarat ang kanyang problema sa asawang OFW na mayroon na raw ibang lalaki

- Giit pa ni mister, hindi lang daw isang beses ngunit maraming beses na siyang niloko ng misis

- Pero sa labis na pagmamahal dito, handa raw siyang tanggapin pa rin ang asawa para na rin sa kanilang pamilya

- Ngunit si misis, mas gugustuhin pa raw na makulong na lang kaysa ang bumalik sa kanyang mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umiiyak at labis ang sama ng loob ng mister na si Rami Natabio, na nagmula pa sa Sultan Kudarat nang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang misis na isang OFW.

Ayon kay mister, may ibang lalaki na raw ang asawa na si Ginalyn Natabio na kasalukuyang nagta-trabaho sa Saudi.

Ang lalaki raw nito ay kapwa-OFW din ni Ginalyn ayon kay mister.

Pero ang masaklap pa, hindi lamang daw ito ang unang beses na ginawa ni misis ang panloloko sa kanya.

May mga pruweba pa nga na ipinakita si mister kay idol Raffy na ikinagulat din nito at ayon pa rito ay maliwanag na ebidensiya na.

Ngunit depensa ni misis, matagal na raw ang mga iyon bagamat aminado ito na nagkaroon nga ito ng ibang mga lalaki habang kasal pa kay Rami.

Matagal na raw kasi niyang gustong makipaghiwalay sa asawa pero ayaw nito.

Tinabangan daw siya sa asawa nang malugi ang negosyo na ipinundar niya sa Pilipinas at ito ang namahala.

Pero para kay Rami, handa siyang tanggapin ang ginawa ni Ginalyn sa kanya basta bumalik lang ito sa kanya.

Kaya naman daw niyang buhayin ang pamilya na nagawa na niya nang 16 na taon.

Ngunit si Ginalyn, nagmatigas na hindi na babalik pa sa piling ng asawa kahit pa raw ipakulong siya nito.

Sa huli, nagdesisyon ang dalawa na umuwi na lamang sa Pinas ang ginang para sa kanilang mga anak.

Hindi naman nakalimutan ni Tulfo na bigyan ng tulong ang pamilya ni Rami.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Shocking Social Experiment: People Don't Care About Lost Child

The little girl is crying for help, she is scared, but not many people seem to care. The results of this social experiment have really put the HumanMeter team in shock. Why don't we help a lost kid??? -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel