Kasambahay na inakusahan ng pagnanakaw, handa raw sa lie detector test

Kasambahay na inakusahan ng pagnanakaw, handa raw sa lie detector test

-Inaakusahan ng pagnanakaw ang kasambahay na si Maricel ng kanyang mga amo ngunit depensa nito, siya ay inosente

-Handa raw ito na sumailalim sa lie detector test para mapatunayang siya ay nagsasabi ng totoo

-Sabi naman ng ilang netizens, mukhang na-set up lamang ang kasambahay ng taong nagdidiin sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos akusahan ng pagnanakaw ang kasambahay na si Maricel Guerero, agad itong lumapit sa programang Wanted sa Radyo para humingi ng tulong.

Anito, sinisiraan siya ng anak ng kanyang mga amo sa pamamagitan ng pagpo-post sa social media at sinasabing siya ay magnanakaw.

Sabi naman ng inirereklamong amo na si Michelle Lachenal, kahina-hinala raw ang mga kilos ni Guerero.

Tinatanong daw kasi nito kung gumagana ang mga CCTV sa kanilang bahay. Maging ang mga wig at damit ni Guerero ay kahina-hinala rin daw.

Ito lang din daw ang pumapasok sa kanyang kwarto sa bahay ng kanyang nanay dahil hindi na raw ito nakatira roon.

Madalas din daw na walang tao sa bahay ng kanyang nanay at ang kapatid na lalaki lang ang naiiwan na palagi lamang sa kwarto naglalagi.

Anito, ang kasamahan nito na si "yaya Emily" mismo ang nagsabi ng mga ito sa kanila. Si Emily ang kaibigan ni Guerero na siya ring nagpasok sa kanya sa mga amo.

Mariing iginiit ni Emily na kahina-hinala raw ang pag-alis ni Guerero sa bahay ng kanilang amo kahit hindi nila day-off.

Ngunit lahat ng akusasyon sa kanya ay itinanggi ni Guerero. Gawa-gawa lamang daw ni Emily ang mga ibinibintang nito sa kanya.

Sa katunayan ay ito pa nga raw ang may utang sa kanya na itinanggi naman ni Emily.

Maayos daw siyang nagpaalam sa mga amo noong bago siya umalis dahil siya ay nagkasakit. Mismong si Lachenal pa nga raw ang nag-check ng kanyang mga gamit bago umalis.

Dahil walang ebidensiya ang inirereklamong amo at may tumetestigo naman laban kay Guerero, iminungkahi ni Raffy Tulfo na sumailalim na lang sa lie detector test si Guerero at maging si Emily.

Sumang-ayon naman ang dalawa. Sabi ni Guerero, ito ay paraan na rin para linisin ang kanyang pangalan.

Samantala, may mga ilang netizens naman ang nagsabi na tila raw ba na-set up lamang si Guerero.

"kawawa ang mga taong napapag bintangan na wala naman talagang kasalanan."

"Dapat sir raffy.. Ipalabas din yung cctv Sa bahay NG amo..C yaya Emily.. Dami pa sinasabi... Ayaw lang mag bayad NG utang."

"Kawawa tong c ate, napagtulungan na!"

"Kawawa nman c ate.. kitang kita nman parang totoo nman yong sinasabi nya."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

We all know that feeling when your favourite song starts playing in the earphones, and you can't resist the temptation to sing along and dance along! -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel