Nakakapanlumo! Kaanak ni Darwin Dormitorio, ibinahagi ang nadiskubre sa diary ng biktima

Nakakapanlumo! Kaanak ni Darwin Dormitorio, ibinahagi ang nadiskubre sa diary ng biktima

- Napag-alaman ng pamilya ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio ang mga sinapit nito

- Ito ay matapos nilang matuklasan ang nilalaman ng kanyang diary kung saan nabanggit niya ang mga pinagdaanan nito

- Nagbigay naman ng reaksiyon ang kapatid ni Dormitorio hinggil sa kanilang natuklasan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nanlumo ang pamilya ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa kanilang natuklasan sa diary ng yumaong kadete.

Ibinahagi ng isang kaanak ang nilalaman ng nadiskubre nilang diary. Nakasulat sa nasabing diary ang takot ni Darwin bilang isang regular corps.

"Today I slept a lot during class. I never thought that being able to reach regular corps is very frightening even though the real thing did not start yet," saad ng isang entry sa kanyang diary.

Ayon pa sa ulat ng ABS-CBN news, nabanggit din doon ang joke na tila hugot sa kanyang pinagdadaanan."Anong cake ang masakit? Eh di front cake, side cake, back cake."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Base pa sa kanyang naisulat, inimbestigahan na din siya dahil sa dahil sa nangyari sa kaniyang katawan nang una siyang maospital.

Dagdag pa niya, sobra-sobrang parusa ang kanilang nararanasan sa kaunting pagkakamali.

Hindi naman mapigilang manggalaiti at manlumo ng naiwang pamilya ng kadete nang mabasa nila ang diary.

"Sobrang nakakagalit... Hinding-hindi po namin sila lulubayan hangga't hindi natatapos 'to," ani Dexter Dormitorio, kapatid ni Darwin.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Matatandaang Setyembre 18 nang bawian ng buhay si Darwin dahil sa tinamong blunt force trauma. Sa naunang ulat ng KAMI, pinarusahan diumano si Dormitorio dahil sa nawawalang combat boots.

Sinasabing dahil sa hazing ang kanyang mga tinamong pinazala. Ang hazing ay kadalasang nangyayari sa mga baguhang miyembro ng grupo upang magsilbing challenge o initiation ng isang fraternity, sorority, team, o di kaya'y club.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Prank! Oh My God! What Is That Stranger Doing? | HumanMeter

Chatting with some random strangers and doing something inappropriate? Look closer! It's not what you are thinking! Check out Human Meter's newest video.

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel