Raffy Tulfo, niratrat ang maangas na seaman na inireklamo ng ex nito

Raffy Tulfo, niratrat ang maangas na seaman na inireklamo ng ex nito

-Hindi pinalagpas ni Raffy Tulfo ang inasal ng inireklamong lalaki dahil sa kulang na sustento

-Dati na itong nakausap ni Tulfo ngunit bumalik sa kanya ang complainant dahil hindi tumupad sa usapan ang lalaki

-Ilang beses na tumaas ang boses ni idol dahil sa kaangasan ng lalaki na pati kapitan sa barangay ay inireklamo na rin ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inireklamo ng ginang na si Joan Capilitan ang kanyang dating kinakasama na si Ronnel Tolentino dahil sa kulang na sustento.

Nagkaharap na ang dalawa sa tanggapan ng TV5 at nagkasundo na rin noong una sa tulong na rin ni Raffy Tulfo.

Ngunit, bumalik si Capilitan at sinabing matapos nilang magharap sa barangay ay hindi naman tumupad sa kanilang pinag-usapan si Tolentino.

Bukod dito, uminit din ang ulo ni Tulfo nang mapanood ang video ng paghaharap ng mga ito sa barangay sa harap ni Chairman Cecilio Sacorum.

Hindi nagustuhan ni idol ang pagiging maangas daw ng lalaki sa harap ni Kap.

Maging si Chairman Sacorum ay naangasan din daw kay Tolentino.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Nang makausap muli ni Tulfo sa telepono ang lalaki, ilang beses na tumaas ang boses nito dahil sa pananalita ng inireklamong lalaki.

Binanatan din ito ni idol at nakatikim ng sermon. Bukod kasi sa kulang na sustento, isang tip ang natanggap ng programa mula sa isa raw kamag-anak nito na nagsasabing adik umano si Tolentino.

Mariin naman itong itinanggi ng lalaki na handa raw patunayan na mali ang nakuhang impormasyon ng programa.

Gumagawa rin naman daw siya ng paraan para makapagpadala kay Capilitan.

Nangako naman ito na dadagdagan ang kanyang sustento.

Samantala, hindi nakalimutan ni idol Raffy na tulungan si Capilitan lalo pa nang malamang nasa ospital ang isa sa mga anak nila.

Nangako si Tulfo na sasagutin ng programa ang gastusin nito sa ospital.

Nang malaman din nito ang kalagayan ni Capilitan, nagmagandang-loob rin si idol na abutan ito ng tulong.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa ring mister ang inireklamo ng kanyang misis! Uminit rin ang ulo ni idol Raffy sa lalaking lantarang sinabi na mag-aasawa na raw ito ng iba.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Showbiz News: Kylie Verzosa About Spitting On Maxine Medina

What is all the fuss about Kylie Verzosa allegedly spitting on Maxine Medina? -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel