Kapatid ng mister sa "sana all" episode ng 'Tulfo', niresbakan ang mabisyo raw na misis

Kapatid ng mister sa "sana all" episode ng 'Tulfo', niresbakan ang mabisyo raw na misis

- Nag-viral ang mag-asawa sa 'sana all' episode na napag-ayos pa sa programa ni Raffy Tulfo

- Matapos ang pag-aayos, naglabas ang misis ng mga ebidensya na di pa umano tumitigil ang mister sa pakikipagkita nito sa ibang babae

- Wala pa mang pahayag ang mister ukol dito, dinipensahan naman siya ng kanyang kapatid at kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang episode ng Raffy Tulfo in Action na may caption na "Sana all" dahil sa nagkamabutihan muli ang mag-asawang sina Kharent May Pardillo at Alfred Pardillo.

Sa naunang ulat ng KAMI, naglabas ang misis ng isa na namang ebidensya na nagpapatunay na di pa sila tuluyang nagkaayos ng mister.

Galit na binahagi ni Kharent ang larawan ng kanyang asawa at ang sinasabi nitong kabit ilang araw matapos mag-viral ang kanilang pag-aayos sa programa ni Tulfo.

Bagaman at wala pang pahayag si Alfred ukol sa isyu, nagawa naman siyang depensahan ni Ging Estes na nagpakilalang kaibigan ng magulang ng lalaki.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Pinakita nito ang screenshot mula naman sa post ng kapatid ni Alfred na may Facebook name na Ramsyy Pards kung saan nilinaw nito ang mga akusasyon ni Kharent kay Alfred.

Ayon kay Ramsyy, bago pa man magpa-Tulfo ang dalawa dahil sa di raw pagpapakita agad ni Alfred sa misis ay magulo na talaga ang pagsasama ng dalawa.

Sinabi pa nitong tila ang kinilingan lamang sa programa ay ang misis dahil sa labis nitong pag-iiyak at ebidensyang pinakita nito laban kay Alfred.

₱65,000 daw ang pinadadala ni Alfred kay Kharent at nasa 16 oras kada araw daw ito nagtatrabaho sa Amerika.

Isiniwalat din ni Ramsyy ang di umano'y bisyo ng asawa ni Alfred. Mabarkada raw ito na mahilig sa inuman.

Ang masaklap, nabanggit din nitong naabutan niyang naninigarilyo si Kharent nang ipinagbubuntis nito ang anak nila ni Alfred.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Komento naman ni Ging, kilala niya si Alfred bilang masipag at responsableng ama dahil sa maayos itong nagpapadala ng sustento sa anak.

Isiniwalat din nito na may anak pa raw pala sa ibang lalaki si Kharent na binubuhay din umano ni Alfred.

Dahil sa mga pahayag na ito, tila naguluhan ang mga netizens na sumubaybay sa masalimuot na kwento ng mag-asawang gumawa ng ingay sa social media.

Narito ang ilan sa mga halo-halong reaksyon ng netizens:

"E baka kaya gusto makipagbalikan kasi sa laki ng sustento"
"Hala ayan na, nilabas na ang baho ni girl"
"Nakakaloka to, maghiwalay na lanag kayo para tahimik ang lahat"
"Naninigarilyo pag buntis, naku po! buti maayos lagay ng bata"
"Haay, pag-usapan ng maayos ang sustento at wag nang ipilit ang hindi na maayos pa..."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel