Misis, nilabas ang larawan ng mister at babae raw nito matapos ang viral na pakikipag-ayos

Misis, nilabas ang larawan ng mister at babae raw nito matapos ang viral na pakikipag-ayos

- Naglabas ng bagong ebidensya ang misis ng di umano'y pagloloko ng kanyang mister

- Ito ay matapos mag-viral ang episode nila sa programa ni Raffy Tulfo

- Inulan ito ng pambabatikos ng mga netizens sa lalaki lalo pa at halata naman daw nila sa programa pa lang ni Tulfo na napipilitan lamang itong makipag-ayos sa asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos mag-viral ang "sana all" episode ng Raffy Tulfo in Action tungkol sa mag-asawang sina Kharent May Pardillo at Alfred Pardillo, naglabas ng bagong ebidensya ang misis sa di umano'y pagkakaroon ng ibang babae ng kanyang mister.

Sa post ni Kharent sa kanyang Facebook, galit na binahagi niya ang di umano'y mga larawan ng kanyang mister na kasama ang sinasabing kabit nito.

Nalaman ng KAMI na dalawang araw lamang mula nang maisa-ere ang episode ng Raffy Tulfo in Action, galit na binahagi niya ito at sinabing "plastic" lang ang pakikipag-ayos ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.

Katunayan, kasama pa sa title ng video ang "sana all" dahil sa isa lamang ito sa iilang mag-asawang napag-ayos ng programa.

Makikita pa sa viral episode na yumakap at humalik na ang mister sa asawa at sabay na raw silang pupunta sa kanyang mga magulang sa Makati.

Ngunit, tila tama ang komento ng mga netizens na napansin nilang napilitan lamang ang mister na magkaayos sila ng misis dahil sila ay nasa national television.

Narito ang kabuuan ng episode na nakuha ng KAMI sa YouTube:

Samantala, sa mga larawang binahagi ni Kharent, ito marahil ang tinutukoy niyang babae ng mister na naririnig niya ang boses sa telepono noong panahong ayaw pa nitong makipagkita sa kanya.

Dahil dito, di naiwasang mabatikos ng mga netizens ang mister dahil tila taliwas ito sa ginawa niya sa programa ni Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa maaanghang na komento ng mga netizens:

"Feeling mo pogi ka? mgnda p AswA mo kesa jn s pinalit mo! at iniiyakan kp ng aswa mo, ibig sabihin mhl k nya! cgurdo kb mhl k ng kabit mo? o pera lng dhil nag aabroad k?"
"Plastic lng pla c kuya kaloka kinikilig pa nman ako nung naging ok na kayo ne ate kasinungalingan lng pla un kuya magising ka sa katotohanan pangit ung kabit mo ung asawa mo piliin mo"
"Nako wag k n mag dalwang isip n ipakulong yang mga yan"
"Kaya pala ayw na tlaga makipgblikan eh ahaha. Pagsisisihan nya dn yan teh."
"balik ka nalng ate kay raffy tulfo"
"obyus naman na plastik tlga sya nabanggit lang kasi ni sir raffy yng 'bout green card. kaya napilitan"
"Kaya pla biniro n rafy tulfo n ipatatoo name mu ayaw nya kasi takot s karayum hindi ayaw kasi nga may karelasyon"

Habang sinusulat ang artikulong ito, wala pang nailalabas na pahayag ang mister ukol sa pinakabagong pangyayari.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Young people sometimes sound like foreigners to someone who can be even just 5 years older than them. Today we are trying to figure out if everyone understands Gen Z slang words. Spoiler alert: not everyone!

Tricky Questions: Guess Gen Z Slang Words Meaning | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel