Napapanahong 'meme' nina Bea at John Lloyd, bentang-benta sa mga netizens

Napapanahong 'meme' nina Bea at John Lloyd, bentang-benta sa mga netizens

- Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral meme nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

- Napapanahon daw ito sa mga nangyayari sa love life ng dalawa

- Marami tuloy ang nagtatanong kumbakit di na lang sina Bea at John Lloyd ang maging tunay na magkasintahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang 'napapanahong' meme nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

Sakto raw kasi ito sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng kani-kanilang love life.

Binahagi ng Bangon Pilipinas Facebook page ang meme na hango naman sa pelikula ng dalawa na "A Second Chance."

Naaliw daw talaga ang mga netizens dahil sa saktong-sakto ang mga larawan na ginamit sa mga linyang nilagay doon ng kung sinuman ang gumawa nito.

Halos sabay kasing sumiklab ang balitang hiwalay na di umano ang dalawa sa kani-kanilang mga karelasyon.

Tulad na lamang ni Bea na tila hanggang ngayon ay di pa rin humupa mga isyu tungkol sa kinahinatnan ng kanyang relasyon kay Gerald Anderson.

Kamakailan, umugong naman ang espekulasyong hiwalay na rin daw sina John Lloyd at Ellen Adarna.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Dahil dito, mabilis na nakuha ng mga netizens ang pakahulugan ng meme.

Umabot na sa 25,000 reactions, 4,000 comments at 18,000 shares ang naturang post.

Samantala, narito naman ang ilan sa mga nakakalokang komento ng netizens. Ang iba pa sa mga ito ay tila nagpapahiwatig ng pag-asang sana raw ay ang dalawa na lamang ang magkatuluyan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Alright balik balik sa ex pag may time, naging sila ba?"
"Hay naku Bea at Jlc, kayo na lang kasi!"
"Ang galing ng nakaisip nito, taba ng utak!"
"HAhahahahahah third chance na yan"
"Nakakaloka, hiwalay na rin pala sina John Lloyd at Ellen?

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Famous Filipino actor Dingdong Dantes speaks about how his and Marian's life has changed after the birth of their second child.

Dingdong Dantes: Having One Child VS Having Two | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance

Bato says Sanchez should be given death penalty after saying he deserves 2nd chance
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel