Mister, 'di daw sadyang mabuntis si misis! Pinalayas pa ito dahil sa wrong sent

Mister, 'di daw sadyang mabuntis si misis! Pinalayas pa ito dahil sa wrong sent

- Nais pa sanang makipagbalikan ng ginang na si Roxanne sa kanyang mister ngunit nagmatigas na ang lalaki

- Ayon kay mister, ilang beses na daw siyang niloko ng asawa na itinanggi naman ni misis

- Bumuhos naman ang simpatya ng mga netizens para sa ginang na inaming mahal pa ang asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inaakusahan daw siya ng kanyang mister ng pangangaliwa, ito ang naging reklamo ng ginang na si Roxanne dela Rosa sa programang Wanted sa Radyo.

Ayon sa ginang, pinalayas siya ng mister na si Arnold Andrew dela Rosa sa kanilang bahay dahil sa isang wrong sent na message.

Inakala daw ni mister na may iba siyang lalaki nang magtext ang isa sa kanyang naging customer bilang online seller.

Nang mabasa ni mister ang text message na mula sa sender na si "Maria" ay agad daw nitong tinawagan ang sender at sinabing lalaki daw ang nakasagot bago biglang binaba ang tawag.

Ngunit mariing itinanggi ni Roxanne na may iba siyang lalaki. Sabi pa nito, nang tawagan niya ang sinasabing sender ng message ay napag-alamang mister pala nito ang tumawag.

PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey.

Hindi na daw siya nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang lahat dahil umalis na rin daw ang mister pagkatapos nito.

Ngunit nang makausap naman si mister, sinabi pa nitong hindi daw ito ang unang beses na niloko siya ng asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Itinanggi lamang ito ni Roxanne at sa halip ay ibinuking na si mister pala ang may ibang kinakasama.

Hindi rin nagustuhan ni Raffy Tulfo at ng mga netizens ang sinabi ni Arnold na nabuntis niya nang 'di sinasadya si Roxanne.

Ngunit sa huli, nagdesisyon pa rin si Arnold na tuluyang hiwalayan ang misis.

Bagamat tinanggap na rin ito ni Roxanne ay naiyak naman ito. Inamin nito na mahal pa rin niya ang mister.

Ganunpaman, tinulungan na lamang ni idol Raffy ang ginang na makabalik sa kanilang tahanan na ini-lock daw ni mister na naituturing na conjugal property.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: How Is Acid Supposed To Taste? Back in the streets with tricky questions, school program. -on KAMI HumanMeter Youtube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Pres. Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day

Duterte urges Filipinos to be ‘everyday heroes’ on National Heroes’ Day
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel