Titser, inireklamo ang ex-BF na engineer na nagkalat daw ng videos nilang 2

Titser, inireklamo ang ex-BF na engineer na nagkalat daw ng videos nilang 2

-Galit na nagsumbong ang isang guro sa tanggapan ng 'Wanted sa Radyo' para ireklamo ang kanyang dating nobyo

-Ayon sa guro, ipinakalat daw nito ang kanilang videos na naglalaman ng kanilang "maiinit" na sandali

-Ngunit mas nakumbinsi pa ang guro at maging si Raffy Tulfo na ito ang salarin dahil na rin sa mga sagot ni engineer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Nanggagalaiti ang guro na si Gladece Escober nang idulog ang kanyang reklamo laban sa dating nobyo na si Engineer Larry Mira sa programang Wanted sa Radyo.

Giit ni Escober, ipinakalat daw ni Mira ang kanilang mga larawan at videos na naglalaman ng kanilang "maiinit" na sandali gamit ang iba't-ibang dummy accounts.

Isa daw sa nakapagpatunay na si engineer ang salarin ay dahil tanging sa kanyang mga co-teachers lamang isine-send ang mga ito.

At mga pangalan daw ng kanyang dating mga nobyo ang ginamit nitong pangalan sa mga dummy accounts nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Ngunit mariin naman itong itinanggi ng engineer at sinabing nawala ang kanyang cellphone.

Ngunit hindi kumbinsido si Escober sa kanyang palusot maging si Raffy Tulfo.

Sinabi kasi ni engineer na bagamat mayroong lock code ang kanyang nawalang cellphone, noong araw na naiwala niya ito ay naka-disable umano ang lock nito.

Dahil dito, mas nakumbinsi pa si idol Raffy na ito nga ang may gawa ng pagpapakalat ng mga videos.

Napag-alaman pang ang hinihiling lang daw ng "mga uploader" ng mga videos ay makipagkita lamang dito si Escober.

At ito rin mismo ang hiniling ni engineer sa guro pagkatapos nilang magkahiwalay noon.

Bukod dito, nagsinungaling din umano ang engineer sa guro at sinabing hiwalay na ito sa asawa nang magkaroon sila ng relasyon.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel