Ang tindi ng mga ganap! 2 babae na naanakan ni kuya, sanib-pwersa laban sa kanya

Ang tindi ng mga ganap! 2 babae na naanakan ni kuya, sanib-pwersa laban sa kanya

-Matindi ang mga ganap sa isang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo kung saan dalawang babae ang sanib-pwersa laban sa lalaking nakabuntis sa kanila

-Pati si idol Raffy 'di inaasahan ang sumunod na pangyayari

-Samantala, ang mga netizens naman nanggigil na rin sa inirereklamong lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Maaanghang ang mga sagutan sa isang reklamong hinarap ni Raffy Tulfo sa kanyang programang Wanted sa Radyo!

Sanib-pwersa kasi ang dalawang babae laban sa lalaking nakabuntis at nang-iwan sa kanila. Reklamo pa nila ang hindi pagbibigay nito ng sustento sa kanilang mga anak.

Nagsimula ito nang idulog ni Ruby Rose Allosa ang kanyang reklamo laban kay Emerson Aragon sa programang Aksyon ng TV5, ang tatay ng kanyang anak, na una nang naibalita ng KAMI.

Matapos mai-ere ang reklamo nito ay nakatanggap naman ito ng mensahe mula kay Richselle Alberto, isa pang babae na nabuntis ni Aragon at iniwan rin.

Kasunod nito, magkasama nang hinarap ng dalawang babae si Aragon.

Depensa pa ng lalaki, nagbibigay siya ng sustento sa kanyang mga anak kahit pa nga daw hindi ito sigurado na anak niya ang anak ni Alberto.

Bagay na ginawan ng paraan ni idol Raffy na nag-sponsor na para sumailalim ang mga ito sa DNA, kahit kumbinsido na siya na anak ni Aragon ang bata dahil sa pagkakahawig ng mga ito.

Samantala, napag-alaman naman na gumulong na ang kasong isinampa ni Allosa laban kay Aragon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read

Nais na lang sana ng babae na ituloy ang kaso ngunit sinabi nitong malapit na siyang lumipad papuntang Saudi kaya naman ikinonsulta na ito ni Tulfo sa isang abogado.

Ngunit ang ikinabigla ng lahat sa studio ay nang bigla na lamang sampalin ni Allosa si Aragon na hindi na nahagip sa camera.

Humingi ng kopya ang lalaki ngunit wala daw kuha ang programa at tumanggi ang mga ito na nakita nila ang pangyayari. Tanging si Alberto lamang ang nakakita.

Samantala, ang mga netizens naman "gigil" din sa lalaking inireklamo ng dalawang babae.

"kapal ng muka ng lalaki na yan!!! dapat lang sa kanya yun hehehe."

"Sana wala ng pang limang panganay , kapal ng mukha neto. Hahahaha kamote ka paps. Yopak ka sa tambutso ka bomomba wag sa mga babae."

"wow kuya ang question mo ha! Wow!!!!!! Malamang pinatulan ka kasi niligawan mo ng di mo sinasabi na may kinakasama ka! for sure nalaman nila na may karelasyon kang iba nung mahal na mahal ka na nung mga babaeng niloko mo. GIGIL MO SI AKO!!!

"Hoy sampalin nakita dyan lalaki ...bakit ka nanliligaw...super kapal mo diba?? Gusto kita ipa hila ng sasakyan na naka hubad."

"Mambubuntis ng apat na babae pero magdedemanda dahil nasampal. Iba rin talaga ano kuya.HAHAHAHAHA."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel