Matapang na kabit, may sariling schedule kada linggo kay mister

Matapang na kabit, may sariling schedule kada linggo kay mister

-Sagad na ang ginang na si Alma mula sa pagbabanta at pamamahiya ng kanyang mister at kabit nito sa kanya

-Maging ang kanilang mga anak labis nang apektado sa kanilang sitwasyon

-Pagbubulgar pa ni misis, may sariling schedule ang kabit ni mister kada linggo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sagad na sagad na daw ang ginang na si Alma Fernandez sa kanyang mister na si Jorge Fernandez at sa kabit nito na si Mylene Santos.

Kaya naman idinulog na niya ang kanyang reklamo sa programang Wanted sa Radyo.

Giit ni Alma, labis na ang pagkapahiya niya dahil sa dalawa at maging ang kanilang mga anak ay apektado na rin sa kanilang sitwasyon.

Pagbubulgar ni misis, may sarili pang schedule si kabit sa kanyang mister kada linggo.

Mula daw Sabado hanggang Martes ay naroon ito kay Mylene. At dahil dito, lumiliban pa sa trabaho si mister kada Lunes.

Bagamat inamin ni Alma na nagsasama na lamang sila sa iisang bahay para sa mga bata ay masakit pa rin daw ito lalo na para sa kanilang mga anak.

Ang masaklap pa, matapang pa daw si Mylene at pinagbabataan pa umano siya nito.

Samantala, inamin naman ni Jorge ang relasyon nito kay Mylene ngunit itinanggi na nito ang ilan pa sa mga akusasyon ng kanyang asawa.

Nangako naman ito na haharapin ang misis sa harap ni Raffy Tulfo. Samantalang si Alma naman ay nais na makaharap si Mylene!

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Nkakababa yn nang pagkatao para kay misis . Wag mo ng pkisamahn yan ate .wla nang respeto sayo pti mga bata hindi na binigyan nang kahihiyan."

"kalbo pag tanda mo..aalagaan ka ba ni kabit? hiwalayan at kasuhan mo, be strong ate. dapat hindi mo pinaabot sa Tulfo."

"Kabit is always kabit...isang sulosyon pakulong sila dalawa."

"Yung complainant useless ang pag punta jan.. dapat ipush mo na ipakulong yang asawa mo ng mabawasan ang yabang ng asawa mo."

"Hay naku usap usap pa pakulong mo na lang wala ng pag asa yan parang wala lang bastos."

"Tsk tsk tsk. Simple lang yan, Ipakulong mo na yan.. Doon sya magmayabang sa preso."

"Respeto ang pinakamahalagang maibibigay sa asawa dahil pag may respect, may love."

Sa isa pang ulat ng KAMI, isa ding abusadong mister ang nais nang ipakulong kanyang misis at sariling mga anak!

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Exclusive Celebrity Edition

Jody Sta. Maria, Baron Geisler, Rachel Alejandro and Raymond Bagatsing answering Tricky Questions from HumanMeter. -on KAMI

Source: Kami.com.ph

Online view pixel