Raffy Tulfo, may isinawalat kaugnay sa isyu ng nagpakilalang unang asawa niya

Raffy Tulfo, may isinawalat kaugnay sa isyu ng nagpakilalang unang asawa niya

-Sinagot na ni Raffy Tulfo ang isyung mayroon siyang unang asawa na nagsampa ng kasong bigamy laban sa kanya

-Ayon sa batikang broadcast journalist, bina-blackmail umano siya ng babaeng nagpakilala bilang unang asawa niya

-Kamakailan lamang ay pumutok ang balitang ito kasunod ng mainit na isyu sa pagitan ng kapatid ni Erwin Tulfo at ni DSWD chief Bautista

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naglabas na ng pahayag ang sikat na broadcast journalist na si Raffy Tulfo kaugnay sa kasong ibinabato sa kanya ng babaeng nagpakilalang una ng asawa daw niya.

Ayon sa report ng Aksyon sa News 5 sinabi ni Tulfo na bina-blackmail lamang siya ng babae na kinilalang si Juliet Nacpil-Licup.

"She's already married to a foreigner and she's asking for P100 million or else gigibain daw niya ang buhay ko. I have the letter from her lawyer. It is blackmail and extortion." ayon kay Tulfo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, sa panayam naman ng media sa abogado ni Licup, sinabi nitong para sa anak ng kanyang kliyente at ni Tulfo kung kaya sila nagsampa ng kaso laban sa sikat na host/journalist.

Tatlong buwan pa lamang umanong buntis si Licup nang iwan siya ni Tulfo dahil sa isang pagtatalo.

Matagal na umanong itinago ni Tulfo ang bata na anak nito kay Licup.

Dapat daw, bilang mamamahayag na naninindigan para sa katotohanan ay hindi itinago ni Tulfo ang kanyang anak kay Licup.

Una nang naiulat ng KAMI ang pagputok ng balita sa pagsasampa ng kaso ni Licup kay Tulfo.

Kasabay ito ng mainit na isyu sa pagitan ng kapatid nitong si Erwin Tulfo at ni Social Welfare and Development chief Rolando Bautista.

Sa isang report ng KAMI, may mga maaanghang na pahayag na si Ben Tulfo laban kay Bautista dahil sa pagbibigay nito ng mga kondisyon para tuluyang tanggapin ang sorry ni Erwin.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions: Translate Filipino Proverbs Into English

We surely understand the wisdom of these Filipino proverbs. But what if we had to explain them to a foreigner? Translate preserving the meaning. Check out all of our exciting videos -on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Filipino couple sa Arizona, arestado dahil sa pagkamatay ng isang senior citizen

Mag-asawang Pinoy sa Arizona, sangkot sa pagkamatay ng isang senior citizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel