Part 2: Anak ng seaman na pinaretoke si misis, may sinabi tungkol kay general

Part 2: Anak ng seaman na pinaretoke si misis, may sinabi tungkol kay general

- Isang seaman ang dumulog sa Raffy Tulfo in Action at inireklamo ang misis na kanyang pinaganda sa pamamagitan ng pagparetoke

- Pero nang ito'y gumanda na, pinagpalit na si kuya sa isang Heneral ng AFP

- Ngayon, ang anak na mismo nina Mel at Barbarrah ang nagsalita sa kung ano ang nakita niya kay General

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi ng tulong si Mel Paza, 50, isang seaman kay Idol Raffy dahil may iba na ang kanyang 50-anyos ding asawa.

Nalaman ng KAMI na lahat ng hiningi ng kanyang asawang si Barbarah Paza ay binibigay niya, pati na pagpaparetoke.

Yung ilong at didbib augmentation ng asawa ay ginastusan niya kaya lang, nung gumanda na ito'y pinagpalit siya umano sa kay Brig. Gen. Jesulito Calimag, 55, Provost Marshall General ng AFP.

Sa Part 1, nangako si Idol Raffy na tutulungan si Kuya Mel, at ganun na nga ang ginawa ng Raffy Tulfo in Action.

Tinangka nilang matawagang muli si general kaya lang di na ito sumasagot. Si misis ay di rin nagpakita.

Pinuntahan nila ang bahay ng pinsan ni misis, pero sinabihan niya si Kuya na "let her be" daw at find your own happiness na dapat si Kuya.

Sinabi niyang hindi niya alam kung saan si Barbarrah pero sabi niya'y sinabi ni Barbarrah na kakausapin daw niya si Kuya Mel.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dahil di mahagilap, nagpasya na rin lang si Kuya Mel na sampahan ng kaso.

Tinanong ng staff ang kanilang anak tungkol kay general at sinabi ng bata na nakita niyang nag-kiss si misis at si general.

Meron pa raw na nag swimming si misis na nakapang swimming talga na damit.

Nanlumo si Kuya dahil di talga nagpakita ang kanyang misis sa kanya.

Pero di siya nawawalan ng pag-asa at patuloy siyang tutulungan ni Idol.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel