Lalaki, tinangay at ginahasa ang 3-anyos na bata bago isinurender sa pulis

Lalaki, tinangay at ginahasa ang 3-anyos na bata bago isinurender sa pulis

-Nagpanggap pa umanong tinutulungan ng 31-anyos na suspek ang 3-anyos niyang biktima

-Nadiskubre na lamang ng mga awtoridad ang nangyari nang dalhin ang mga ito sa presinto

-Ayon sa tatay ng biktima, pinapatulog lang niya ang anak sa kanilang bahay ng bigla itong mawala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na nakapagpalusot pa ang suspek na si Mario dela Cruz nang madiskubre ng mga pulis ang krimeng nagawa niya sa isang 3-anyos na batang babae.

Ayon sa ulat ng Inquirer, rumoronda ang Valenzuela police sa Mindanao Avenue sa Barangay Ugong sa Maynila nang tawagin sila ng ilang mamamayan bandang 9:00 ng gabi.

PAY ATTENTION: Our Favorite Celebrities Opened Up About Their Regrets In Relationship

Isa sa mga ito si dela Cruz na ayon sa mga pulis ay halatang naka-inom.

Sabi umano ni dela Cruz, may nakita itong bata na nawawala at nais pa raw na dalhin sa mga awtoridad upang isurender.

Dahil dito, dinala si dela Cruz at ang bata sa barangay ngunit doon ay nadiskubre ng mga opisyal at mga personnel ng Violence Against Women and Children ang krimen.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nakita ng mga ito ang mantsa ng dugo sa pang-ibabang saplot ng biktima.

Nang tanungin ito, napag-alamang minolestiya ito ni dela Cruz gamit ang daliri at ari nito.

Inaresto agad si dela Cruz at hinanap ng mga awtoridad ang mga magulang ng biktima.

Dumating ang tatay ng biktima at ayon dito ay pinapatulog lang niya ang anak sa kanilang bahay nang bigla umano itong mawala.

Nagsampa naman agad ito ng kaso laban sa suspek nang malaman ang nangyari sa anak.

Lalaki, tinangay at ginahasa ang 3-anyos na bata bago isinurender sa pulis

Photo source: Google Images / Photo for illustration only
Source: Getty Images

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bea Alonzo reveals how ghosts intervened in the process of the "Eerie" movie shooting. Spooky and exciting moments first-hand, from one of the greatest movie stars in Philippines! – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel