Nagpakilalang anak daw ng mayor ng Laguna, nagwawala sa viral video

Nagpakilalang anak daw ng mayor ng Laguna, nagwawala sa viral video

- Viral ngayon ang video ng isang babaeng nagpakilalang anak ng Mayor ng Laguna

- Makikitang tila may kaaway ang babae at pilit pinabubura ang video na nire-record ng kanyang kasagutan

- Di naman nabanggit sa naturang video kung sino ang tinutukoy na ama niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena ngayon sa social media ang video ng isang babae sa isang bar sa Makati na nagpakilalang anak ng Mayor sa Laguna.

Sa video na binahagi ng Facebook page na Wala na Finish na, makikita ang babaeng di umano´y nakikipagtalo sa mga lalaking nag-iinuman.

Di man nasabi ang dahilan ngunit tila na-istorbo sa pag-iinuman ang mga lalaki nang dumating ang babae.

Humingi naman daw ng dispensa ang babae ngunit mapapansing patuloy pa rin ito sa pagtatalak.

Maya-maya pa´y nasabi ng mga lalaki na nabanggit na pala ng babae na anak siya ng Mayor. Dito mas lalong nag-angas ang babae at tinatanong kung ano ang estado sa buhay ng mga kasagutan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Patuloy pa rin ito ng pagsasalita sa mga kaargumento nang mapansin niyang kunukunan na siya ng video ng isa sa mga lalaki.

Pilit na niya itong pinabubura at binibilangan pa ng babae ang mga ito para burahin.

Mapapansing mayroon namang mga pulis roon na di na muna nakikiaalam sa iskandalo na ginagawa ng babae.

Hanggang sa huli ng video, patuloy pa rin nitong binabalaan ang mga lalaki ngunit di pa rin niya nabanggit kung sinong Mayor ng Laguna ang sinasabi niyang ama.

Samantala, samu´t saring reaksyon ang binigay ng mga netizens ukol dito. Ang ilan ay nagsasabing mali ang babae habang ang ilan naman ay nagsasabing mas mali ang pagvi-video ng mga lalaki sa kanya.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

"Anak daw sya ng Mayor...ni wala ngang body guards at hindi naka Iphone wag kami teh!!!!"
"Wait. May law tayo na bawal mong kuhaan ng video yung isang tao without his/her consent. Pwede pang makasuhan yung mga lalaki. Also, we shouldn't judge her without knowing the whole story. I am not on anyone's side. Let's just at least give her the benefit of the doubt."
"naaa public place naman ata sila or wala namang sumuway na employee ng bar na pinag iinuman nila na bawal dun and besides the lady took a pic or video din.. kaya patas sila but on the other hand mayabng talaga si ate"
"Pwede mong videohan yon dahil nag tatalo na sila eh na pwedeng umabot sa kung saan tulad ng sakitan kaylangan mo yon para may ibedensya ka"
"Eh ano ngayon kung anak ka ni mayor,anak dn ako ng nanay ko licensya licensya"
"Wag mo na tayo maghusga in the first place di natin nakita lahat ng pangyayari halos parehas lang ung grupo ng lalaki mukhang mga bastos din naman ung babae mayabang"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tricky Questions In Polytechnic University | HumanMeter

Tricky questions in the Polytechnic University of the Philippines (PUP). Click play and see who among these students got the correct answers to these tricky questions.

Source: Kami.com.ph

Related news
Direk Erik Matti, walang ng ibang bet maging Darna kung hindi si Nadine Lustre lang

Direk Erik Matti, walang ibang bet maging Darna kung hindi si Nadine Lustre lang

Direk Erik Matti, walang ibang bet maging Darna kung hindi si Nadine Lustre lang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel