52 anyos na lalaki at 96 anyos na babae, matatag ang pamamahalan sa loob ng 20 taon

52 anyos na lalaki at 96 anyos na babae, matatag ang pamamahalan sa loob ng 20 taon

- Mahigit 20 taon na nang nagmamahalan sina Renato Payos at Eloisa Gonzales na may mahigit 4 na dekada ang agwat ng edad

- 52 taong gulang si Renato habang 96 anyos na si Eloisa ngunit pinatunayan nilang walang pinipiling edad ang pag-ibig

- Kahit na may karamdaman na si Eloisa dala ng katandaan, di pa rin ito iniwan ni Renato at siya pa mismo ang nag-aalaga at nag-aaruga sa kanyang minamahal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang isang halimbaea ng "age doesn't matter" ang pagmamahalan at pagsasama nina Renato Payos at Eloisa Gonzales kundi ito ay "true love."

Nalaman ng KAMI na 52 taong gulang si Renato na mas bata kaysa kay Eloisa Gonzales na 96 anyos na.

Mahigit na 20 taon na silang nagsasama ng maligaya sa kabila ng ilang nagtataka at nanghuhusga sa kanilang relasyon.

Ayon sa panayam ng GMA news kay Renato, tinanong pa raw siya noon ng kanyang pamilya bakit si Eloisa pa gayung marami namang ka-edad niya o mas bata kaysa rito. Ngunit sadyang tunay ang pag-ibig na nararamdaman ni Renato para kay Eloisa kaya naman pinanindigan niya ito.

Maging ang anak ni Eloisa na halos malapit na ang edad kay Renato ay nasaksihan ang pagmamahal at pagmamalasakit ng lalaki sa kanyang ina. Dahil dito, di na nila nagawang tutulan pa ang pag-iibigan ng dalawa dahil sa alam nilang nasa mabuting mga kamay ang kanilang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inalala rin ni Renato kung paano sila nagkakilala ni Eloisa. Nagtitinda raw noon ang babae ng mga gulay habang siya naman ay may kaunting negosyo. Nagulat na lamang daw siya isang araw bakit inaabangan niya lagi si Eloisa at pinapakyaw pa ang mga paninda nito.

Kalaunan nalhulog na ang loob nila sa isa't isa. Depensa ni Renato, kadalasan daw, iisipin ng iba na pera lang daw ang habol ng batang lalaki sa nakatatandang babae sa isang relasyon. Ngunit di raw ito ganoon para sa kanila dahil di rin naman ganoon kayaman si Eloisa para yung lamang ang habuliin ni Renato.

Sadyang minahal lang ni Renato si Eloisa dahil ito ang nararamdaman niya.

Kaya ngayong may mga nararamdaman na dala ng edad si Eloisa, mas napatunayan ni Renato na mahal niya talaga ito dahil sa siya prain talaga ang nag-aalaga rito.

Iniisip pa nga raw minsan ng babae na pumanaw na lamang upang di na mahirapan ang lalaki ngunit gumagawa talaga ng paraan si Renato upang dugtungan pa ang buhay ng kanyang minamahal.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Social Experiment: Dropping Wallet in Quiapo and Cubao | HumanMeter

A social experiment testing people's honesty was done in Quiapo and Cubao. The experiment was done by dropping a wallet on purpose to find out how many of the respondents would return it.

Click the play button and restore your faith in humanity.

Source: Kami.com.ph

Related news
Daughter lambastes father and alleged mistress

Daughter exposes father and alleged mistress on social media

Daughter exposes father and alleged mistress on social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel