Nakakabahala! Nanay, pinaglilimos umano mga anak at sinasaktan pag walang silang 'kita'

Nakakabahala! Nanay, pinaglilimos umano mga anak at sinasaktan pag walang silang 'kita'

- Isang netizen ang nabahala sa dalwang bata na nakita niya sa kalye

- Puwersahan silang pinaglilimos ng nanay at sinasaktan daw sila kung wala silang kita sa araw

- Karga-karga pa ng batang babae ang sanggol na mga ilang buwan pa lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang humingi ng tulong para sa dalawang batang paslit na nakita niyang namamalimos.

Nalaman ng KAMI na may nanay ang mga bata na nakita niya. Yung ate ay may bitbit pa na sanggol na sa pakiwari'y ilang buwang pa lamang.

Ayon pa sa post ng netizen na si Christian Batiancila, pinaglilimos sila ng sariling ina.

Di lang yan, kapag wala raw silang kita sa isang araw ay sinasaktan sila ng nanay nila.

Sa isang convo na pinost din ni Christian, may nagsabi na habang nanglilimos ang batang babae, kandong ang kapatid, nakahilata lang daw ang ina.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya nanawagan si Christian na nawa'y makarating sa DSWD ang kundisyon ng mga bata.

Nasa bandang Sucat Highway daw sila sa overpass malapit sa Julie's Bakeshop tawiran malapit sa Padis Point Sucat.

Sana nga matulungan sila at malagay naman ang magkapatid sa isang mabuting kalagayan.

Maraming netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa ina. Mayroon ding nagsabi na sana ipa-ampon na alng sa kanila ang bata.

Akin nalang yan gusto ko mag adap ng bata kasi ung anak ko babae gusto ng kapatid na babae mag isa lang siya
Dapat kung sino man na kakita tinulungan nalng.. Pagkakataon na yan e.. Ireport agad.
Kawawa nman ng mga bata mga magaganda pa

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Care for some "pampa-good vibes"? Watch our Ariana Breathin Low-Budget Parody | HumanMeter On KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt

Kris Aquino's lawyers respond to Gretchen Barretto's allegations

Giyera na 'to! Kris Aquino releases official statement of lawyers after Gretchen Barretto's IG stunt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel