Mister na hinihingan ng sustento, black eye ang ibinigay kay Misis

Mister na hinihingan ng sustento, black eye ang ibinigay kay Misis

-Sa isang programa humingi ng tulong ang isang ginang na sinaktan ng kanyang mister at nagtamo ng black eye sa kaliwang mata

-Ayon sa biktima, madalas na din siyang saktan ng asawa noong nagsasama sila

-Depensa ni mister, nanlalaki daw kasi si misis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang ginang na si Beberly Macayayong upang humingi tulong kaugnay ng pananakit sa kanya ng mister na si Edward Macayayong.

Ayon sa biktima, ipinaglalaban lamang niya ang karapatan ng kanyang mga anak na hindi umano nabibigyan ng sustento ng ama ng mga ito.

Ipinakita rin nito ang black eye na tinamo mula sa pananakit nito kamakailan lamang. Reklamo pa nito, nakatatanggap din siya ng masasakit na salita mula sa asawa.

Kwento pa ni Misis, kapag humihingi umano siya ng pera dito para sa panggastos ng mga anak, hinihingan siya nito ng kapalit sa p-amamagitan ng pakikipagtalik daw dito.

Nang tawagan ni Tulfo ang inirereklamo, itinanggi nito ang mga paratang at sinabing nanlalaki daw si Misis.

Inamin ni Beberly na nagkaroon siya ng ibang karelasyon ngunit dahil daw ito sa pagtrato sa kanya ng asawa at dahil din daw may iba na ring babae ang asawa.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nang magharap ang mga ito sa programa, parehong ipinakita ng mga ito ang kaniya-kaniyang ebidensya. Dahil dito, isinantabi na lamang ni Tulfo ang usapin sa pangangaliwa dahil pareho lamang naman daw ang dalawa.

Sa halip ay nag-pokus na lamang sila sa pananakit ni Mister kay Misis.

Ani Mister, siya daw ang sinasaktan ng asawa at nagawa lang daw niya itong saktan dahil sumugod ito sa tinutuluyan.

Depensa ni Beberly, nagawa daw niya iyon dahil na rin sa pambabastos nito sa kanya at sa mga salitang natatanggap nito mula sa babae ng asawa kaugnay ng paghingi niya ng sustento.

Sinubukan silang pag-ayusin ni Tulfo ngunit matigas na talaga si Misis. Hiling niya ay maipakulong ang asawa.

Dahil dito, sinamahan at tinulungan siya ng programa na makapagsampa ng kaso laban sa asawa.

Haharapin ni Edward ang kasong Violation of RA 9262 dahil sa pananakit nito.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Filipinos Street Quiz: Philippines tricky questions - can you answer these tricky questions? Today we are going to ask the Philippines strangers some very funny Tagalog tricky questions! These individuals from the Philippines have their answers – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo

Aktwal na video ng pagsanib sa 1 bata! 16-anyos na pinatay umano, nagpasaklolo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel