Hindi lang si Gretchen! 7 Filipino news reporters na nasangkot sa matinding kontrobersiya

Hindi lang si Gretchen! 7 Filipino news reporters na nasangkot sa matinding kontrobersiya

- Sadyang lapitin ng kontrobersiya ang mga tao sa journalism industry

- Kung hindi maiiwasan, maaring umabot pa sa pagka-suspinde o pagkatanggal sa trabaho

- Narito ang pito sa mga reporters na nakaranas ng matinding mga issues

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Taliwas sa inaakala ng marami, hindi biro ang maging isang mamamahayag at maghatid ng mga bagong balita para sa mamamayan.

Hindi katulad ng ibang propesyon, mas madaling kapitan ng mga batikos ang mga journalists dahil kadalasan ay tungkol sa maimpluwensiyang mga tao ang iniuulat nila.

Sa Pilipinas, marami na ring mga mamamahayag ang naharap sa samu’t-saring kontrobersiya. Narito ang pito sa kanila:

1. Mel Tiangco

Noong 1995, ilang dekada na ang nakalilipas, nasuspinde ang journalist na si Mel Tiangco na noon ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN at TV Patrol. Lumabas kasi ang nasabing personalidad sa isang detergent commercial na mahigpit namang ipinagbabawal ng management.

Dahil dito, lumipat si Mel sa GMA-7 ngunit nagsimula ulit ang panibagong hidwaan sa pagitan niya at ABS-CBN dahil sa “non-competitive clause” sa kaniyang kontrata na nagsasabing bawal siyang magtrabaho sa ibang network.

2. Ces Drilon

Bago pa man pumutok ang kontrobersiya na diumano’y ipinahiya o na-“victim-shame” niya ang kapwa journalist na si Gretchen Fullido dahil sa issue ng sexual harassment, dati nang napabilang si Ces Drilon sa mga kontrobersiya sa media industry.

Noong 2008, na-kidnap si Ces ng mga bandido sa Sulu ngunit pinalaya din makalipas ang ilang araw. Dahil dito ay nasusupinde ang reporter ng tatlong buwan dahil sa paglabag sa utos na bawal pumunta sa Sulu.

3. Atom Araullo

Sinorpresa ng batikang reporter na si Atom Araullo ang publiko nang magdesisyon itong umalis sa ABS-CBN at mamalagi sa rival network nito. Ngunit mas lalong umingay ang pangalan ni Atom nang masangkot siya sa kontrobersiya kaugnay ng pelikulang kaniyang pinagbidahan – ang “Citizen Jake.”

Matapang na ipinahayag ng kaniyang direktor na si Mike de Leon na hindi niya nagustuhan kung paano nagtrabaho si Atom para sa nasabing pelikula. “I only realized later that Atom’s journalism was not exactly the kind of journalism I had in mind,” pahayag ni Mike.

4. Korina Sanchez

Naging tampulan din ng malalang kontrobersiya ang Rated K host na si Korina Sanchez. Kabilang na diyan ang kaniyang blind item tungkol sa CNN journalist na nagre-report ng mali-mali sa telebisyon.

Marami ang naghinala na ang pinariringgan ni Korina ay si Anderson Cooper na nagbigay ng pahayag tungkol sa kawalan ng malaking presensya ng militar sa Tacloban matapos ang bagyong Yolanda. Matapos nito, kumalat ang bali-balita na nasuspinde ang reporter dahil hindi raw ito nakita o narinig sa telebisyon o radyo.

5. Bernadette Sembrano

Isa din sa mga nasuspindeng reporters ay ang batikang anchor na si Bernadette Sembrano. Noong 2003, isa sa mga hosts ng programang The Probe Team ng GMA-7 si Bernadette. Ngunit dahil sa kaniyang interview sa noon ay Chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Efraim Genuino, naglabas ng pahayag ang Kapuso network na hindi nila ie-ere sa telebisyon ang nasabing panayam.

Hindi ito nagustuhan ng reporter at nag walk out ito habang binabasa ni Arnold Clavio ang statement ng management. Nasuspinde si Bernadette at humingi ito ng tawad sa kinauukulan. Makalipas lamang ang anim na buwan, lumipat na siya sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

6. Jessica Soho

Nasangkot din sa kontrobersiya ang multi-awarded journalist na si Jessica Soho. Ito’y matapos siyang maging sentro ng joke ni Vice Ganda tungkol sa “gang rape.” Nang hindi magustuhan ang biro ng komedyante, naglabas ng pahayag si Jessica at sinabing isang krimen ang panggagahasa at hindi dapat ginagawang katatawanan.

Nag sorry naman si Vice kinabukasan at malugod naman itong tinanggap ni Jessica.

7. Gretchen Fullido

Kamakailan lang ay nagsalita na ang showbiz reporter na si Gretchen Fullido sa diumano’y sexual harassment sa kaniya ng ilang ka-trabaho at news executives sa ABS-CBN. Tatlong taon daw nagtiis ang nasabing journalist sa hindi magandang ginagawa sa kaniya ng mga nakakataas na opisyal.

Makalipas ang ilang araw, ipinakita ni Gretchen ang text messages na mayroon daw “sexual favors” mula sa mga opisyal ng Kapamilya news.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Many of you had asked us to shoot The Nun prank – and we did it! So, today we are proud to present you an extraordinary lady, Scary Nun! In this episode, she is going to roam the streets of the Philippines and scare innocent people to death! (Laughs evilly) – on HumanMeter!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho

Ryan Agoncillo shares how he fell in love with Judy Ann Santos in #storiesforlucho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel