Mister na natalo sa sugal, nagtangkang mag-carnap ng taxi sa takot daw sa misis

Mister na natalo sa sugal, nagtangkang mag-carnap ng taxi sa takot daw sa misis

- Natalo sa online sabong ang isang lalaki kaya tinangka niyang magnakaw ng taxi

- Nagawa raw niya ito sa takot sa kanyang misis dahil buong sahod niya ang naipatalo

- Nagkaroon din ng utang sa kanyang amo ang lalaki dahil lamang sa sugal

Isang lalaki sa Quezon city ang inakusahang mangka-carnap ng taxi.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa ulat ng GMA news, natalo sa onling sabong ang lalaki na nagkanda utang pa sa kanyang amo. Bukod dito, nagamit na rin niya ang kanyang buong sahod kaya wala na itong maiuuwi sa pamilya.

Nakunan ng cctv sa Agno Street sa Barangay. Doña Josefa sa Quezon City ang paghinto ng isang taxi bandang 1:00 ng madaling araw.

Maya maya, isang lalaki ang bumaba sa taxi at sinundan ng isa pang lalaki na nagawa pang magtago sa halamanan. Kaansin pansing pasimple nila itong ginawa.

Di nagtagal, dmating na ang mga tanod at agad ding dumating ang mga pulis.

Nakilala ang driver ng taxi na si Romel Lorilla na naunang lumabas ng taxi dahil sa utos ng isa pang lalaki na si Ariel Laurente na mag-dorrbell daw sa isang bahay.

"Pagbaba ko sumampa siya sa ano ko... lumipat sa manibela, 'yon pintakbo niya namatay lang yung taxi," pahayag ng taxi driver.

Malaking bagay na nakunan ng cctv ang kaganapan ngunit umabot din ng 30 minutos ang pagtatago sa halamanan ng suspek.

"Nung nahanap na namin yung tao tumawag kaagad kami sa 911 para humingi ng police assistance so sinecure lang namin dun binantayan lang namin baka makatakas [yung suspek]," pahayag ng chairmn ng barangay na si Louie Muñoz.

Nang madakip, pinaliwanag ng driver na ang dahilan ng tangka niyang pagnanakaw ng taxi.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Talo po ako nung Biyernes, tapos yung buong sahod ko buong linggo naubos ko. Natakot ako na palayasin ng asawa ko. Nangutang ako sa amo ko ng P4,000, ngayon kung makakuha ako ng pera sa taxi ay 'yon na ang ibabayad ko sa amo ko," salasay ni Laurente.'

Di tinanggap ang paliwanag ng ng suspek kaya mahaharap ito sa kasong carnapping.

Pinaalalahan naman ng awtoridad ang mga taxi driver na maging alerto sa mga sinasakay nilang mga pasahero.

Kpop in public: Today we will try to repeat the dance moves of MOMOLAND girls from their famous music video "BAAM". But, of course, we will do it in very unusual places like a subway, a market, and right on the streets of the Philippines.

Momoland - BAAM: Hilarious Kpop in Public Parody | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M

Best actor si kuya! Nagpaawa sa ka-chat kaya nakatangay ng P4M
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel